My miracle Baby Zeke

#firsttimemama #preemiebaby EDD: 11/9/2021 Born: 10/11/2021 via emergency ceasarian due to sudden pre eclampsia. He was born at 36 weeks..maaga at delikado para sa kanya. Pero iba talaga pag si Lord nagplano. Nung 5 mos. pa lang ang tyan ko pina complete bed rest na ako ni OB kasi nakitaan niya ako ng early contractions signs which is hindi dapat,there was also light bleeding. Naging best friend ko na si Duvadilan since then,at 34 weeks nirecommend na ni OB na magtake ako ng 4 shots of steroid pampa mature ng lungs ni baby in case na mag preterm labor ako which i did. Okay naman lahat..normal ang bp ko palagi pag follow up check ups then bigla na lang tumaas nung Oct. 11,saktong schedule ko ng check up kaya nagdesisyon na si OB na i emergency ceasarian ako para sa safety ni baby. Sobra ang takot ko nung araw na yun,akala ko mamamatay na ako. I'm battling with anxiety and panic attacks since 2015 kaya napakahirap sakin..sobrang pasalamat ko lang at napakabait ni OB at ni Lord at nalagpasan namin ni baby. Sa ngayon we are still recovering..hoping na walang maging problema kay baby. Sa mga mommas na katulad ko..i'm praying for you🧡

My miracle Baby Zeke
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same with anxiety disorder and panic attacks until delivery normal lahat tapos a week after ko manganak dun nag spike BP ko 😩160/90 postpartum hypertension..1 month medication para sa highblood but like what you said the Lord works in wonders a few days ng medication until now na natapos ko na normal na ang BP ko..praying that it will stay that way at maibigay ang best kay baby 😍you did a great job momma! congrats and God bless sainyo ni baby 😊

Magbasa pa

Same happened to me mommy, severe preeclampsia at 33weeks. Buti nalang nakaconfine na ako that time. Sabi ng ob ko napakalakas ako kasi pwede akong mag collapsw, blackout worse is mag seizure at maputukan ng ugat, sa awa ni God at sa urgency ng mga ob ko. Safe kami dalawa ni baby.🥺 Congrats mommy!

wow sana aq din.. last yrs nag eclampsia aq dahil sa subra timbang q na umabut 97 8 months nilabas c baby dhl dami na dugo lumabas skn... nag 5050 aq na buhay aq c baby nawala.. ngaun after 1 yrs biniyayaan ulit kami pero ingat na aq sana d na maulit ngyari dti. sbi n ob pd 37 weeks pd na cs aq...

naadmit ako dahil mababa AFI ko, 35 mos ako nun. tinurukan ako ng pampamature lung ng baby para if ever na lumabas siya kaya na nyang huminga sa labas, tnx. God nung 36 weeks and 5 days ako normal delivery si baby. at ok kami both

same here.. preeclampsia rin. last check up ko was 160/100 kaya the following day sched for CS nako.. Thank GOD kc ligtas kmi ni baby though may cordcoil sya nun.. 🤗 🙏🙏🙏

VIP Member

Nung 1st to 4thmonth ko bedrest Ako may bleeding ksi matres ko pero gods will maayos na Si baby I'm now 36weeks 5days

Good job mommy na nilakasan mo po ang loob mo para kay baby! Praying na both of you will recover soon! God bless po!

3y ago

hello po. nung nagbleed po ba kau hanggang ilang months?? sana po masagot

congrats po. ano po weight nya? 36w4d ko nilabas sa baby nung nov.17, ecs din. 2.5kgs lang siya.

VIP Member

wow congrats po momshie! ang tapang din ni baby, sana lumaking healthy 🥰🥰

VIP Member

Congrats mommy! Praying for your and your baby’s fast recovery.