Question about EDD
#firstbaby #pleasehelp #advicepls First time mo po ako. Ask po sana ako about delivery date. Ano po kayang edd ang pinaka malapit sa katotohanan.. Sa LMP ko po is July 11, 2021 po ang edd ko, TransV naman po is July 24, 2021, and last UTZ ko naman po nung 6 mos ako is July 18, 2021. Ang worry ko and namin pong magasawa is working po siya sa malayo and magisa lang po ako sa aming bahay, malayo rin po kami sa relatives namin. Balak po sana niya umuwi at least 1 week before ako manganak pero nalilito po kami sa date na iseset niya for leave niya, 7 days lang po kasi paternity leave niya at saka po balak niya extend atleast 2 o 3 weeks after ko manganak if mapapayagan po siya sa work niya.. 😢 When i asked my ob about edd ko, yung edd ko na july 18, raw po ang possible na labas ni baby. Please help naman po and no to bash po.. Salamat po sa mga ideas na pwede niyo po ishare mga mommies..