Help mga mommy!

First time mom po ako, kahapon ng umaga may dugo na po ung discharge ko, para pong may clear na fluid tapos may kaunting dugo. Hindi pa naman po gaanong masakit ung paghilab ng tyan ko kahapon pero nagpunta na po kami sa ospital. Yung OB ko po, in-IE po ako at ang sabi nya hindi pa naman daw po kasi mataas pa dw po si baby. Naguwi na po muna kami. Kaso kaninang mga 12 am na po, nag start na po mag-contract yung tyan ko na para po bang matatae ako na hindi ko maintindihan tapos yung likod ko sobrang sakit na hindi ako halos makagalaw pag nag cocontract sya. Ang interval po ng contraction as of now ay more or less 10 mins. Ito na po ba yun mga mommy? Malapit na po kayang lumabas si baby? Salamat po sa mga sasagot.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Malapit na po yan mamsh. Good luck po. have a safe deliveryπŸ™πŸ™

4y ago

Okay po mommy. Kaso 2cm pa lang daw po nung in-IE ako. Baka bukas pa dw po lumabas si baby pero naglalakad lakad na din po ako para tumaas pa ang cm.