Night owls

First time mom po ako. Mag 3weeks na po si baby, mag 3 weeks narin po kaming puyat. From 12am to 4am or 6am sya gising, kapag buhat sya tahimik sya at tulog pero once na nilapag na sya sa higaan naiyak na sya at hindi sya titigil sa pagiyak hanggat di sya binubuhat. Natural lang po ba ito sa baby?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes po natural lang po sa baby pa yun kase naninibago pa sila and magbabago pa body clock nla ,up to 2mos po baby ko ganyan eh. sinanay ko lang magoff ng ilaw. try mo po iswaddle baby nio then lagyan nio sya ng unan both side ,patugtog din po kau lullaby songs..

ganyan din baby ko noon mommy. very stressful talaga dahil first time mom pa. 😅 naging maayos tulog ni LO ko nung going 3mos na sya. ngayon 6mos na bibi ko maayos pa din naman tulog namin sa gabi. 🥰 tiyaga lang mommy kaya mo yan ❤️

Ganyan din baby ko nung ilang week ko palang napapanganak mula 12-4 gising kaya super puyat ako araw² Pero ngayon 4mos na cia hindi na masyado sumasabay na cia ng tulog sakin e Tiis kalang momsh sasabay din sayo ng tulog yan

VIP Member

Very common po ito mommy. Salitan po kayo ni hubby para iwas pagod po.

Related Articles