Excited na makita si baby :)
First time mom po ako and gusto ko lang po mag share haha. Wala po kasi ako makausap dito sa bahay :D Iba po talaga feeling everytime pipitik si baby sobrang saya ung nararamdaman ko , kaya naman lalo ako naeexcite makita sya. Parang ang bagal ng oras haha gusto ko na sya mayakap excited nadin ako mag puyat . Wala akong negative na naiisip , may konting takot pero natatalo talaga ng pag kaexcited ko sa anak ko . Ang saya saya ko lang sobrang kuntento ko na sa buhay ko kahit walang ipon , sapat lang ung kita ng daddy namin at every weekends lang kami may daddy ni baby masaya padin ako kasi pakiramdam sobra akong nablessed ni Lord ! Hay sarap sa feeling . May mabuti din kasi akong asawa na hindi ako pinapabayaan kahit madalas na mimiss namin sya kasi weekends nga lang sya nauwi . Mahaba ang pasensya nya sa misis nyang clingy hahaha ! kayo mga momshies excited nadin po ba kayo makita si baby ? :)
Mama bear of 5 bouncy cub