Pa help po

First time mom po ako. Baby ko kasi pagkatapos nyang dumede sa akin ay bigla siyang iiyak at dede nanaman tapos iiyak nanaman at dede ulit. Hindi kasi sya ganito dati. Pagkatapos nyang mag dede ay ehehele ko lang sya at maka tulog na siya. Normal pa po ba ito? Ano po ba gagawin ko? 1 month old na po ang baby ko.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal yan mommy. Unli latch lang. Yung baby ko mag latch siya sa akin makakatulog then kapag tinanggal ko iiyak magllatch nnman. Sabi ng Pedia, si Baby kasi minsan nakakatulog siya dahil na ffeel niya ying Warmth ng body natin and nagiging comfy sila kaya nakakatulog pero hindi pa sila busog nun. kaya nagugutom pa din.

Magbasa pa
VIP Member

Di po sya contento sa gatas mo mommy kaya lagi umiiyak ganyan din baby ko dati kasi kunti lang gatas ko..

Ganyan si lo ko . Yun yung palatandaan ko na antok na sya yun latch unli latch sya habang ngumangawa

Baka po growth spurt mommy. Unli latch nyo lang po sya.

Baka po kailangan taasan na ang intake ng gatas.

4y ago

Pano mo tataasan eh breastfeed nga yubg bata 🙄