Pregnancy check up

Hello first time mom po, 4 weeks preggy base sa app. Kailan po kayo talaga nagpapa check up? Kasi sabi sakin kahit daw sana 3months na yung tummy ko don nalang ako magpa check up. Kayo po ba or karamihan sa inyo ilang weeks or month bago kayo nagpa check up?? and kung okay lang ba di agad magpa check up kung okay naman nararamdaman and since maaga pa naman. Thank you #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

81 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

8 weeks akong buntis ng nagpa check ako sa ob. Ang kagandahan po kasi sa mas maaga po kayong magpapatingin kay ob ay mas matututukan nya ang growth ni baby sa tyan nyo. Mabibigyan ka nya agad ng mga kakailanganin mong inumin base sa ultrasound, laboratory at assessment nya sayo.😊

3y ago

Until now po ba mi delayed na po ang period mo? mas maganda po magpa consult na kyo sa OB lalo na po yng pananakit ng tyan. Need nyo po magpa TRANS V.