111 Replies
Hi mommies..for everyone's info, stretch mark is not due to pagkamot ng skin nio sa tummy, boobs area or thighs. From the word itself it is due to the stretching of your skin kasi nababanat dhil lumalaki ang tyan pag buntis, lumalaki ang boobs and ang balakang kaya tayo nag kaka stretch mark nwawala ung elasticity ng skin. Kaya it is advisable na sa 2nd trimester ng pregnancy mag apply ng moisturizer to prevent stretch marks..i used Bio-oil during my pregnancy last year. Another reason is may skin tlga na prone sa stretch marks may iba blessed to have elastic skin kaya kahit magbuntis hindi nagkaka marks ๐
hi mamsh, ako 36weeks ng lumabas stretchmarks ko.. minimal lang hanggang sa 40weeks ng mailabas ko si baby medyo dumami na.. though hindi ako nagkakamot, talagang nsstretch lang kasi tlga ng bongga. Advised ko nalang hydrate yourself well pati moisturize mo every now and then. may mommies na tlgang hindi din ngkakastretchmarks tlga dahil sa genes or skintype and kung isa ka sa kanila, then you are lucky ๐
Depende daw po kung gaano kalaki yung kaya istretch ng skin mo momsh. ๐ yung iba hindi nagkakaron ng stretchmarks. Yung iba naman 35 weeks nagstart na lumabas. Payo sakin ng OB ko dahil prone ako sa stretchmarks lagyan daw ng olive oil or VCO as soon as nalaman kong buntis ako para daw gumanda yung elesticity ng skin.
Thank you mamsh!โค
Mommy ang stretchmarks po ay genetics, halimbawa nung ipinagbubuntis ka ng nanay mo nagkaroon sya ng stretchmarks, magkakaroon ka rin. Kung wala naman ay maswerte ka. Hindi po lahat nang nagbubuntis ay nagkakaroon ng stretchmarks o kaunti lang ang stretchmarks o hindi masyadong halata.
Ako sis pang 2 baby ko na toh pero wala akong stretch marks.. Iniingatan ko talaga na wag magkaroon.. Lagi ako nagpapahid ng lotion sa tyan tapoa pag makati di ko kinakamot.. Hinihimas ko lang ng dahan dahan.. Ayun nung nanganak ko sa una ko wala talaga lumabas..
sa pagkakasabi po kasi sa akin ng family ko magkakaron lang daw po ng stretch marks kapag nagkakamot ka during pregnant, kaya po wag po kayo magkakamot, nasa sainyo napo kung maniniwala kayo. ako po kase meron siguro 3 or 4 months po na pregnant nagkaron.
Nagkastretch marks ako siguro mga 34 wks. Yung OB ko nga nung 30 wks ako sinasabihan ako na ganda daw ng tyan ko kasi walang sm, after ilang wks, first comment nya is "ano naba nangyari sa tyan mo, puro stretchmarks na" hahahahahhahaa
pagdating ko ng 31weeks(8months) tsaka ko napansin na may stretch marks na ko pero di abot sa pusod hanggang puson lang then konti lang sya..pang prevent narin siguro yung pag gamit ko ng Bio Oil since nag 4months ako..
Omg. I had mine after 8months. Graaabe. Ang dami at scary talaga sis. 13 days post partum nko pero meron pa din. Nung 1st tri to 7months, ang kinis ng tyan ko. Ang ive been using bio oil and palmers.
Konti nlng naman po pero anjan pa. CS kasi aq. Natatakot akong kuskusin masyado baka bumuka ung tahi.
Ako 1st born ko mga 8 months n ako nagkaroon ng stretchmark palibotlang ng pusod at sa pisngi ng pwet ko at balakang pati na rin sa dede ko pero ngayon sa 2nd pregnancy ko wala pa paramdam๐
She Tamayo