pampakapit

First time mom here. 1st check up ko po last saturday and 14weeks npo tummy ko. Wala naman po akong sign ng spotting. Pero niresetahan po ako ng duphostan ng 3x a day and nakalagay sa reseta is 90 pcs.? Susundin ko po ba na bilhin yung 90 pcs. Na yun? Thank you po in advance

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka po tinanong kayo kung sumasakit ang puson nyo. Pag sinabi po kasi uo minsan kala nila baka sign ng miscarriage. Or baka po nag pa utz kayo nakita medyo maselan or mababa ang placenta nyo?.. kasi ako pag nag papa check up yan ang mga tinatanong nila kung nanakit ba ang puson ko at balakang ko. Or nag spotting bako? Tas tinanong ko nga ano pong mang yayari pag ganun po naramdaman ko. Bibigyan daw ako pampakapit.

Magbasa pa
5y ago

Ay yun naman po pala delikado po kasi yun kaya need po nyo uminum nyan

Ako buong 1st trimester naka duphaston 3 x a day... Kasi unang pregnancy ko nakunan ako. Kaya pinagingat ako ng OB ko... No any symptoms ng miscarriage even spotting. Nawalan lang ng heartbeat si baby... Try ka muna ng 7 days... Then obseve mo if wala ka ng naeexperience na pain. Kausapin mo OB mo if continue mo pa if not.

Magbasa pa

Depende po sa inyo at sa budget mo mommy. Yung ni-resetahan ako ng ob ko then diretso ako ng mercury binigay ko lang yung reseta nagulat ako kasi marami.😅 Hindi sila nagtanong kung ilang piraso. 3 klase ng vitamins yung ni-reseta sa'kin.

Nung ako po no sign of spotting nung mag.aapat na buwan tiyan ko pero sumasakit talaga yung puson ko kunting galaw sumasakit kaya ni resitaan ako at binili at ininum ko lahat.. At sinunod ko lahat ng advice nung ob.

Sakin po niresetahan din po ako ng pampakapit pero never po ako nagtake. Since wala naman problem sa pagbubuntis ko. Discretion nyo nalang po. Nagrereseta ata kasi talaga sila ng pampakapit para lang sigurado.

ako binigyan ako nung ob ko nyan nung magsabi ako na mag travel ako.... mga 2months pa lang ako nun. nung 5months nag spotting ako binigyan ako 2x a day for 1 week lang.

Baka po sumasakit tiyan mo or laging tumitigas kaya kailangan mo ng pampakapit para makaiwas sa preterm labor

Bili ka lang po ng good for 10days kasi pag hindi kana mag ee spot papatigil na sayo. Sayang mahal pa naman.

Nagtake po ako nian 3x a day for 5 weeks. Ok lang po kahit mahal ang mahalaga, ok si baby.

VIP Member

Take it mamsh. It's for you and the baby.

Related Articles