My story and i just want to ask some questions

First time kung nabuntis/nagbuntis. Nagbuntis ako ng hanggang 8months lang. Tama kayo, 8months lang! Bakit?! June 14, saturday yun. Saktong pang 8months ko na at check up ko that day. Super excited ko nun kasi maririnig ko na naman heartbeat ng baby ko pero, yung excitement ko nauwi sa paglulumpasay ko sa lying in clinic. Iyak nako ng iyak nung hindi na mahanap nung OB ko yung heartbeat ni baby, almost 20min nyang hinanap pero wala padin. As a mom hindi ako nawalan ng pag asa pinacheck ko sa ultrasound kako baka natutulog ang baby ko kaya mahirap lang mahanap heartbeat nya. Pero kahit sa ultrasound wala na, kahit pintig ng puso nya wala akong makita kahit manlang galaw. Sobrang sakit nun para sakin lalo pa't unang baby ko yun at bakit pinaabot pa sya ng 8months kung mawawala din diba! So ayun, chineck nung OB yung cervix ko kung open daw ba pero sarado padin. Hindi nya din alam kung anong ikinamatay mg baby ko. Nadisappoint din talaga ako sa OB na yun kasi hindi daw nya alam ang cause of death ng anak ko eh sya yung nagmomonitor sakin simula palang. At yun na nga, ang nakita lang nila sa ultrasound is HALOS NA WALA NANG WATER SA LOOB yung baby eh importante nga daw yun para sa baby. Nag paadmit nako agad nun. 2days akong nasa DR kasi nga inantay pang mag open cervix ko. Hanggang sa naglabor ako nanganak padin ako tulad nyo in a normal way then niraspa din ako after i gave birth. Question ko; Posible kayang mangyare ulit yan sa susunod na pagbubuntis ko?? At ilang months pa bago ako mabuntis ulit???

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako din 7 mos exact unti unti nang lumalabas panubigan ko pagcheck up wla nang tubig heartbeat nlng natira buti nlng nsalba pa bby ko via Cs. Mamsh laban ka lang alam ko hindi madali ang pinagdadaanan n’yo.

VIP Member

Pag makarecover kana po try nyo ulet kasi yung kaibigan ko matapos nakunan nasundan din agad

Mommy. Di po ba nabasa sa ultrasound nyo yung sa panubigan nyo kung normal volume?

Alam ko po nakikita sa ultrasound kung gaano karami ang panubigan.