please share your labour experiences momsh.

First time here! Gusto ko lang kasi malaman stories nyo. Curious lang po ako momsh. Babasahin ko yan. Salamat mo sa mag shashare. 36 weeks and 6days preggy here! ??

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

EDD: June 27, 2019 DOB: June 28, 2019 June 27, Exact 37weeks. 1am nag-start sumakit puson ko. Yung feeling na parang dysmenorrhea na mas masakit. Parang nagsusumiksik na palabas si baby. Pawala wala yung sakit pero simula nun di na ko nakatulog. Kasi kada sumasakit nagigising gising ako. Kala ko manganganak na ko nun kaya sinabi ko sa asawa ko. Kinaumagahan nagpa-check up kami sa lying in clinic. Nagpa-IE ako. Sabi sarado pa daw cervix ko. Hindi pa daw ako manganganak. Pero nagtuloy tuloy yung sakit, kinausap pa ko ng midwife sa lying in clinic at sabi sakin mukhang hindi pa naman ako manganganak dahil nakakangiti pa daw ako. Yung totoong labor daw yung nagkakanda-ngiwi ngiwi na sa sakit. Nag-request lang siya ultrasound para makita kung gano kalaki si baby. Nung nagpa ultrasound 3.4kg si baby so sabi niya malaki chance na ma-CS ako kasi first time ko manganganak tas malaki si baby tapos yung sipitsipitan ko pa maliit, hndi nagsstretch. So ayun umuwi muna kami, hindi na tlaga ko nakatulog nun. Kinabukasan ulit, june 28 3am nagsisimula na sumakit sakit yung balakang ko. Mayat maya na as in para kong natatae na ewan. Nagpasugod ulit ako sa lying in clinic kasi di ko na kaya yung sakit. Pero nung in-IE ako, 1cm palang ako. Edi uwi ulit. Balik nalang daw pag pumutok na panubigan. Antok na antok ako gusto ko na talaga matulog pero di ako makatulog sa sakit. Lalo pang tumindi yung sakit. 7am naramdaman ko nalang kasabay nung paghilab ng tiyan ko, naramdaman kong may pumutok sa bandang pwerta ko. Panubigan ko na pala un. Yun sinugod na ko sa lying in. In-IE ako pero di na siya nag-dilate 1cm parin. Kaya nirecommend akong i- emergency CS, at since bawal sila mag-perform ng CS pina-transfer kami sa ospital. Yung napuntahan ko naman na public hospital, hanggat maaari daw inonormal nila kung pwedent i-normal. Kaya nag-antay pa ng oras habang minomonitor heartbeat ni baby since pumutok na nga panubigan ko. 11am in-IE ulit ako wala talaga hndi na bumuka cervix ko at bumababa na heart rate ni baby kaya no choice CS na ko. At yun 1:31pm lumabas si baby. Unexpected na CS ako kasi sobrang tagtag ako as in araw araw akong may lakad kaya akala ko madali nalang malalabas si baby. Sorry po napahaba. Hehehe.

Magbasa pa
5y ago

Yes po. Lalo na kung may complications. Sa case ko kasi maliit yung sipit sipitan ko, hindi nai-stretch. Unlike sa iba na nababanat kaya nakakalabas si baby. Sakin hindi stretchable hahahaha. Pag pinilit daw kase maiipit si baby.