6 Replies
First time mom 😊 2 am ng madaling araw sumasakit na tyan tsaka balakang ko. Dahil 2 am palang, natulog ako ulit baka normal lang yung ganun haha pero mayat maya nagigising ako kasi sumasakit ulit tapos nawawala naman. , hanggang magising yung mama ko 7am hindi parin nawawala yung sakit sabi ng mama ko baka naglalabor na ko kaya inorasan nya yung pagitan tuwing sumasakit then pumunta na kong lying In ,. Sa lying in lang ako nanganak momsh para malapit😅 walking distance,. Tapos pag punta namin dun chineck ng ob kung open na yung cervix ko ,, e hindi pa daw ..kaya umuwi ulit kami .. Hanggang hindi ko na kaya yung sakit umiiyak na ko sa sobrang sakit kaya nagpunta ulit kami sa ob,, thanks god oPen na yung cervix ko kaya lang si baby ayaw pang lumabas ,, mataas pa daw,. Kaya pinaglakad lakad ulit ako pRa bumaba,, hanggang 2pm pumasok n kami sa operating room inabot ako ng 3:30 bago mailabas si baby kasi nakakatulog ako habang umiire haha wala kasing tulog wala pang kain, , pero thanks god okey kami ni baby 38 weeks po sya via Normal delivery 😊😀😇
Ako po halos two weeks masakit ung kaliwang balakang ko tapos nung gabi na juky 7 hanggang Juky 8 ng madaling araw nasakit na puson ko akala ko may uti lang ako but then di na ako makakilos ng ayos nglalaba pa ako ng ilang pirasong damit ng partner kp di ko na tinuloy at umupo na lang after nun nagbabasa ako sa app na to at may nabasa ako ng signs para malaman na manganganak ka na at ayun nga may nakita akong blood at nagpaadmit na ako ng 8:30 tapos pinaglakad lakad muna ako bandang 9:50 pumasok na ako sa delivery room , sobrang hirap kasi gusto ung may makakapitan na hindi bakal halos hilahin ko ung nurse after ilang ire 10:50 lumbas na si baby..sobrang thankful ko kasi nailabas ko sya kahjt na cord coil..sobrang worth it
39w4d nakapag pacheck up pko nung morning,sabi nung o.b ko mataas pa si bby.Kinakabahan nadin ako na baka ma c.s ako. 11pm nung patulog nko may nakaramdam ako ng parang nawiwi pumutok na panubigan ko. Nagpadala nko sa hospi. Still mataas padin si bby.1cm plang. Advised saken ng o.b na i.cs..dahil baka maubos ang tubig at prone na sa infection si bby. Wala akong pain na naramdaman,walang hilab,walang sakit.Chill lng kahit nsa o.r na 😂.. ung tahi nlng after ung ininda ko.
Naku sakin sis, 6Am may lumabas palang na dugo pumunta agad ako sa Hospital tas nagpa admit. tapos 4cm na pala ako. Dinala agad ako sa DR, pero dahil wala pa OB ko kasi nasa Dumaguete pa tas ako nasa Pagadian di pa nila ako pinaanak. Buti nalang umabot OB ko nung exact 11PM dun nako nanganak. btw medyu tumaas ulo ng baby ko kasi umiire na ako kahit wala pa OB ko
Wala na ko iba masasabi kundi masakit talaga yung paglelabor sis. Yun yung part talaga na masakit para saken. Yung paglabas ni LO kayang kaya mo yun.. 1 day ako naglabor i. Ndi na ko nakakain nun hehe. Pero worth it naman lahat ng sakit pag nakaraos kna at nakita mo na baby mo 😍😊
EDD: June 27, 2019 DOB: June 28, 2019 June 27, Exact 37weeks. 1am nag-start sumakit puson ko. Yung feeling na parang dysmenorrhea na mas masakit. Parang nagsusumiksik na palabas si baby. Pawala wala yung sakit pero simula nun di na ko nakatulog. Kasi kada sumasakit nagigising gising ako. Kala ko manganganak na ko nun kaya sinabi ko sa asawa ko. Kinaumagahan nagpa-check up kami sa lying in clinic. Nagpa-IE ako. Sabi sarado pa daw cervix ko. Hindi pa daw ako manganganak. Pero nagtuloy tuloy yung sakit, kinausap pa ko ng midwife sa lying in clinic at sabi sakin mukhang hindi pa naman ako manganganak dahil nakakangiti pa daw ako. Yung totoong labor daw yung nagkakanda-ngiwi ngiwi na sa sakit. Nag-request lang siya ultrasound para makita kung gano kalaki si baby. Nung nagpa ultrasound 3.4kg si baby so sabi niya malaki chance na ma-CS ako kasi first time ko manganganak tas malaki si baby tapos yung sipitsipitan ko pa maliit, hndi nagsstretch. So ayun umuwi muna kami, hindi na tlaga ko nakatulog nun. Kinabukasan ulit, june 28 3am nagsisimula na sumakit sakit yung balakang ko. Mayat maya na as in para kong natatae na ewan. Nagpasugod ulit ako sa lying in clinic kasi di ko na kaya yung sakit. Pero nung in-IE ako, 1cm palang ako. Edi uwi ulit. Balik nalang daw pag pumutok na panubigan. Antok na antok ako gusto ko na talaga matulog pero di ako makatulog sa sakit. Lalo pang tumindi yung sakit. 7am naramdaman ko nalang kasabay nung paghilab ng tiyan ko, naramdaman kong may pumutok sa bandang pwerta ko. Panubigan ko na pala un. Yun sinugod na ko sa lying in. In-IE ako pero di na siya nag-dilate 1cm parin. Kaya nirecommend akong i- emergency CS, at since bawal sila mag-perform ng CS pina-transfer kami sa ospital. Yung napuntahan ko naman na public hospital, hanggat maaari daw inonormal nila kung pwedent i-normal. Kaya nag-antay pa ng oras habang minomonitor heartbeat ni baby since pumutok na nga panubigan ko. 11am in-IE ulit ako wala talaga hndi na bumuka cervix ko at bumababa na heart rate ni baby kaya no choice CS na ko. At yun 1:31pm lumabas si baby. Unexpected na CS ako kasi sobrang tagtag ako as in araw araw akong may lakad kaya akala ko madali nalang malalabas si baby. Sorry po napahaba. Hehehe.
Yes po. Lalo na kung may complications. Sa case ko kasi maliit yung sipit sipitan ko, hindi nai-stretch. Unlike sa iba na nababanat kaya nakakalabas si baby. Sakin hindi stretchable hahahaha. Pag pinilit daw kase maiipit si baby.
Gliezl Fe Dela Torre