47 Replies
Ako po lagi din sinasabihan nyan nung buntis minsan nakakapikon na din eh π pati nga OB non pinagalitan ako nung manganganak na ko kasi wala akong updated na Ultrasound eh schedule for utz ako ng Thurs. biglang manganganak na ko ng Wednesday at 36wks6days. Nauna kasi panubigan ko, nung nailabas ko na lahat ng tubig sa tyan ko lumiit tyan ko sinabi sakin "ay maliit lang naman pala baby mo eh puro tubig lang kaya malaki tyan mo" ayun 2.7kg/5.95pounds lang pala Baby ko via Normal Delivery π pala tubig kasi ako nung buntis ako mahilig ako sa sweets pero sa taba ko lang napunta lahat haha, patunayan mo Normal delivery ka kayang kaya mo yan Momsh π
Hello mommies. Nagulat naman ako biglang nag-appear 'to π€£ May 31, 2019 nanganak na po ako. 37 weeks at NSD. Katakot-takot na labor dinanas ko nun. At opo, last trimester ko dun ako nahilig sa matatamis, nagdiet din ako nun kasi ang laki nga ng tinaas ng timbang ko, mula 50kg naging 65 kg at ganun parin timbang ko HAHAHAHAHAHA. Mix fed kami ni baby dahil mahina supply ko. Mag-7 months na po si lo ngayon (sa pic ko, mga 2 mos palang ata siya dyan π). So mga mommy po na di pa nanganganak, good luck po, at galingan ang pag-ire. If ever na may tanong, nandito lang ang tAp community para tumulong! Ingat po. At God bless! ππ
Haha i feel you sis.. 39 weeks and 1 day na tummy ko.. first baby ko.. then duedate ko is Dec 25 pero no sign of labor pa din.. ganyan din ako , sinasabi nila na malaki tiyan ko ? Then kung I-CS daw ako kasi malaki tiyan ko ? Everytime na maririnig ko yan sa mga tao yubg pag asa ko na manormal is nagiging negative. But iniisip ko nalang na yung iba nga mas malaki pa ang tiyan pero kinaya manormal, paano pa kaya ako ? So ayun kahit papano nakakalakas ng Loob ! Thank you Lord.. waiting nalang talaga sa paglabas ni baby.
Not entirely true momsh, kahit malaki pa tyam mo Kung maliit Lang measurement ni baby Kaya inormal Yan.. may mga nanay Kasi na Kung magbuntis may sinasabi silang kambal tubig or dugo na parang sobrang dami Ng fluid ni mommy sa katawan Kaya parang Ang laki tingnan. Pero meron Naman na tawag nila purong Bata, as in halos walang fats or Hindi sobrang matubig kundi Ang laki ni baby talaga, sila po ung may chances na ma cs kung super laki ni baby.. pero it depends pa din Kay OB. Ung Iba malakas loob, ipapa ire sayo kahit gano kalaki.
Hahah ! May pag asa pa Yan sis, try mo mag keto diet,ung byenan ko super pumayat dahil Jan ..
Ganyan ako sis ang laki ng tyan ko, placenta previa pa, 37 weeks na nag no previa, bedrest mula 6 months until 37 weeks tyan ko kaya at 41 weeks no pain no discharge pa rin, pero nai normal ko, 3.9 kilos thru induce normal delivery first baby ko and I'm 33 years old, just think positive, pray at lagi mu lng isipin na ma inonormal mu si baby, lahat ng tao sinasabi ma c-cs daw ako kc 33 na ko at ang laki ng tyan ko and I proved them wrong, only God knows pray lng tlga and mind over matter tlgaπβ€οΈ
Wow! Napagaling talaga ng katawan nang mga babae. Congrats mommy! Ako rin po low-lying placenta noon, mga 6mos o mag-7 mos tiyan ko bago umangat. Pero di suggested na mag-bedrest hehe. Ang bata ko pa po kasi humarot e, 22 π mas matanda ka lang po sakin ng 10 yrs. 37 weeks po nanganak na ako. With katakot takot na pananakit ng puson, balakang, at likod opo. Galing mo mommy!! Ang saya ng may baby po 'no? Kaso yung anak ko minsan gusto ko ibalik sa tiyan ko, sobrang kulit na e π π
First baby ko mommy 8.4lbs eh maliit lang ako 4'11 lang height ko, muntik na maCS, nakiusap lang ako sa doctor itry muna normal since open na open naman na cervix ko, and thank God nakaya ko naman with the help of the other doctor, tinulungan niya ako ng tamang breathing and pag push, exercise ka mommy, squatting and walking and more water
pwede kang ma cs kung sobrang laki talaga ng baby mo sabi ng ob namin nun hanggang 3.5kg ang kayang mainormal kasi kalimitan daw sa above oa nyan parang swertehan na lang na nainormal. other cases na pwede ka ma cs e kapag maliit sipitsipitan mo. and napakalaki po talaga ng tyan mo sobrang bilog na bilog. diet diet po kung ayw ma cs
True. Wala po sa laki ng tiyan yan . Baka madami ka lang tubig, ask mo na lang yung OB mo sa next ultrasound mo. Ganyan ako sa first baby ko. Mas malaki pa dyan tiyan ko pero 5 lbs ang sya ksi puro lang pala tubig. Sa 2nd baby ko naman di kasing laki ng tiyan ko nung una pero naCS ako ksi malaki si baby and konti yung water.
Opo palainom din kasi ako ng tubig e. Yung mini koolit jug minsan sa isang araw nakaka-limang ganun ako. May time na malamig pa po iniinom ko kasi sobrang init, based po sa last utz ko nung april23 okay daw po tubig ko. May 21 ko pa po talaga malalaman kung paano na. Haha. Thanks po mommy π
ganyan din ako dati momshie malaki tyan ko sabi puro bata laman kasi malaki ang baby sa loob sabi ng midwife baka daw ma cs ako pero tiniis ko lahat kahit masakit mailabas lang ng normal ang bb ko,isipin mo momshie na kaya mong ilabas ng normal makakaraos ka dinππthink positiveπ
welcome po
Sakin din naman malaki din tiyan ko nun tas maliit lang akong tao tapos malaki pa baby ko kung alam mong healthy si baby at kaya mo naman mas ok ng inormal mo mas ok yun kaya mo yan isipin mo nalang nakaya ng iba bat di rin natin kayanin diba?? Hehe
Karla Dawn Robleza