Just My Two Cents

This is my first pregnancy at nirecommend sakin itong app na to ng friend ko. Sobrang saya ko po at excited sa pregnancy journey ko. Nung mga unang araw na nasa app ako na ito ay totoo namang sobrang nakakatulong yung mga info, ideas na shineshare ng mga momshies dito na lalong nakakapagpasaya. Pero lately, puro negative posts na nakikita ko. May pictures ng mga babies na nalaglag, may nagtatanong pa about abortion. Lahat naman tayo may right na magpost dito, but please be mindful sa mga posts niyo. You can share your experiences and give us lessons ano mga dapat gawin or warn us kung ano mga hindi dapat gawin para hindi malaglagan ng baby, just please don't post your deceased child. Wag na po kayo mandamay ng lungkot niyo, give us a favor na maging healthy at stress free ang pagbubuntis naten para happy tayong lahat. And for those na gustong mag-abort. I don't care with your decisions in life pero this is not the right platform for you. Dito, mga hopeful and happy soon-to-be mommies. Wala ding makakatulong sayo dito, ibabash ka pa. Tapos nakastress ka pa. Tandaan mo, mali na nga yung binabalak mo, mali lalo kung ang goal mo is mang stress ng mga buntis dito. Sana may nagfifilter ng posts dito para maiwasan yung negativity.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tama, sana filtered ang posts.