My baby ?

Finally makakapag share nadin ako ng story ko dito EDD: March 29, 2020 DOB: March 24, 2020 Name: Astraea Callix Umaga nung nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan akala ko nilalamig lang tiyan ko kasi napopoop ako hanggang sa nalabas ko na yung poop. Humiga ulit ako tapos hindi na tumitigil yung paghilab ng tiyan ko sasakit siya tapos biglang mawawala mga ilang segundo lang mawaawala tapos masakit nanaman ulit. sinabi ko sa husband ko na masakit yung tiyan ko and nag decide sya na pumunta na kami sa clinic kasi sakto may schedule check up din kami then hindi na nawala yung sakit ng tiyan ko hanggang dumating kami sa clinic. noong ini.e na ako 5cm na daw ako nagulat ako kasi kaya kopa naman yung sakit inaantok pa nga ako Hahaha. tapos pinapapili ako sa clinic kung mag papa painless ba ako which is doctor yung mag papaanak or yung mga midwife. pero yung may ari nung clinic sinabihan ako wag na daw ako magpadoctor sya daw magpapaanak sakin kaya ko daw yun. Then sabi ko sige po kaya ko naman. pabor talaga sakin yun kasi bawas gastusin hehe. tsaka alam ko kaya ko yun palakasan lang talaga ng loob. pagkatapos ako i i.e pinapunta na ako sa labor room then nilagyan na ako ng dextrose hindi na ako pinauwi kasi alam na nila nsa araw na yun manganganak na ako. sumasakit padin yung tiyan ko seconds yung pagitan pero ako lang ba yung naglalabor na gusto matulog? ? at opo nag labor ako natutulog ako Hahahaha. Nagising ako na para na akong napoopoop hindi ko na din mapigilan na hindi maire hanggang sa nararamdaman ko na sa private part ko na may parang lalabas then sinabi ko manganganak na ako. pag kapasok ko sa delivery room naiire na talaga ako ng bongga kaya ayun isang push kolang tada! lumabas na yung baby girl ko ? sobrang saya at mapapathankyou lord ka talaga. Habang tinatahian ako nakikipagkwentuhan na ako sa mga midwife hindi ko talga nararamdaman yung sakit kasi pinagdasal ko talaga kung masasaktan man ako ngayong araw at mahihirapan sana ayun nadin yung time na lalabas na sya at thanks god natupad nya yun. ?

Trending na Tanong