TEAM AUGUST ❤️

FINALLY!!! The Long wait is over. Meet my 2nd baby girl BELLE SERENITY Y. CAPARROSO EDD via LMP: August 26, 2020 3.1 kls. via NSD. Share ko lang po story ko about my journey during labour time. Kahapon check up ko sa OB kasi 38 weeks and 5 days na ako kahapon pero no sign of labour pa din. ni-IE nia ako and ayun 1cm na. Niresetahan nia ako evening primrose. Pag uwi ko ng bahay kumain lang ako onte then take ng primrose taz start walking mga 30 minutes yun. Then kumain pa ko tinapay 😂 nung gabi andami ko din nakain, nagtake ulit akonprimrose pero sumasakit na tyan ko nun. dalawang beses na din ako nag poop. 8pm at 9pm ng gabi. Madaling araw nagising ako kasi panay sakit na ang puson ko. tolerable pa naman yung pain kaya itinulog ko na lang muna. Mga 6am nagising ako diretso ligo. after ko maligo, nag oatmeal at gatas ako taz take ulit primrose. mga 6:30am gang 8:30am walking pa din ako taz squats. masakit na masakit na talaga yung puson at balakang ko pero alam kong kaya ko pa. hanggang sa 9am nagpunta na kami health center. pagdating namen IE agad and boom 6cm na. mga 11:10 pumutok panubigan ko taz ayun IE ulit ulo na pala ni baby yun. diretso delivery room. humilab tyan ko ng sobrang sakit. tatlong mahabang ire at ayun na. lumabas na si baby ko 😍 Tanging dasal lang talaga kay God ang sandata ko sa oras ng laban namen ng baby ko. 🙏😍 sa mga Team August na di pa nakakaraos always pray. walang tigil. naririnig tayo ni Lord.

TEAM AUGUST ❤️
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats mamsh..🙂🙂