Budget pa more.. ?

Ferrous sulfate at calcium carbonate lang ang naiinom kong gamot daily, bihira rin ako nakakainom ng gatas bearbrand lang. dala na rin ng kakulangan sa budget at budget na budget lang talaga ang pang gastos araw araw.. mahirap kase minsan dalawang beses sa isang araw nalang yung kain ko. tapos di pa nakakakin ng masustansya once a month lang dahil nga sa binabudget.. 28 weeks pregnant na po ako at throughout nung paglilihi stage ko asawa ko lang talaga ang naglilihi... tapos imbis na tumaba ako nabawasan pa ung timbang ko.. feeling ko kinukuha nung baby yung sustansya ko... Kahit mawalan na ko ng lakas basta maging healthy lang lumabas tong anak ko. sa public lang po ako nakakapag pacheck up at hindi sila ganun ka hands on sa mga buntis.., first baby ko rin po ito at yung parents ko hiwalay tas mama ko nasa ibang bansa pa, then ung mga biyenan ko may inaasikaso pa sa ngayon at may inaalagaang apo nila.. nahihiya rin ako sa kanila.. kaya di maiwasan talaga ma stress.. any advice po saken or kung ano man ma isheshare nio po. salamat..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang po ang public, ang importante subukan nyo pong masustansya ang makain nyo. Mag gulay nalang po kayo ng mag gulay. Sikapin nyo rin pong makapag vitamins, balita ko po libre naman ang vitamins sa health center.

Okay lang po kung di kana makapagmilk as long as may calcium ka na tinetake. At bawi kana lang po sa pa gulay2. Yung green leafy vegetables. Mas madami sustansya makukuha.