Feeling worthless

#feelingkowalaakongsilbe First time ko po mag post dito mga momsh maglalabas lang po sana ako ng sama ng loob. first time mom po ako at may baby ako na mag 2 mos. old pa lang this coming dec. 18. Most of the time ang yaya talaga namin ang nag aalaga sa kanya. dun na si baby natutulog sa kwarto ng yaya namin kasi halos araw2 sumasakit ang ulo ko sa puyat. Noon madami pa ang milk supply ko sa kay baby. simula nong hindi ko na sya lagi katabi matulog unti unti nang bumaba ang milk supply ko. mas pinag hina-an ako ng loob nung sinabi ng yaya namin na lalayo ang loob ng baby ko pag ganon. tapos mas lalo na akong na down kung ako na ang kakarga kay baby, iyak na sya ng iyak sa akin at tatahan na kung ang yaya nya na ang kakarga.. tapos yung baby ko kasi masyado ng malaki sa edad nya pag may nag tanong kung bakit ang laki laki na nya ang sagot naman ng yaya namin kasi sya ang nag aalaga kaya lumaki ng ganyan ang anak ko. kaya ako mga momsh pag naka rinig ako ng ganon tumatahimik na lang ako at walang kibo sa isang sulok.. di ko minsan maiwasan na makapag isip na "WALA NA AKONG SILBI.." NILUWAL MO LANG ANG ANAK MO AT SA IBA GUMAGAAN ANG LOOB NG BABY MO., PArang ganon mga momsh. wala lang talaga ako mapagsabihan ng saloobin ko kaya minsan kinikimkim ko na lang ang mga pinagsasabi nila kahit sobrang sakit na sa akin yun at apektado ako.. yun po yung feeling na wala ka ng tiwala sa sarili mo yung nag low self esteem na po ako.. feeling ko po talaga wala akong kwenta kung mag alaga sa anak ko kasi yun po yung pinaparamdam at sinasabi po sa akin.. umiiyak po ako habang tinatype ko po ito. sorry mga momshies kung napahaba. need ko lang po comfort ngayon. sino po sa inyo ang nakaranas din ng ganito po?

1 Replies

VIP Member

Virtual hugs mommy 🤗 never too late naman bumawi kay baby. Ako noon since ftm din.. wala akong kaalam alam papano mag alaga ng bata kaya most of the time mil ko o di kaya si hubby ang nakakapagpatahan kay baby. Totoo na nakakalungkot yung feeling na parang bakit ganun? Ako ang mommy pero mas gusto nya yung karga ng iba? Mas napapatahan sya ng iba. Pero inaral ko lang. pag-umiiyak si baby.. ako kumukuha.. iniiba iba ko hawak ko kung saan sya mas magiging koportable hanggang sa nakuha ko na din yung gusto nyang karga. Magtutwo months pa lang si baby mo. Wag ka mawalan agad ng hope. 9 months mo syang dala dala sa tyan mo kaya mas magiging okay sya sayo. Di mo pa lang nakukuha kung papano. Be thankful din kase yung yaya ni baby mo.. magaling na yaya. Bihira makakita ng ganyan na aalagaan talaga ng ayus yung baby po at magiging malusog ng sobra. Learn from her also.. di kabawasan sateng mga ftm ang tanggapin na madami pa tayong kelangan matutunan. Para sa next baby mo.. confident ka na. And minimal na tulong na lang ang kakailanganin mo sa yaya.

mommy good day po salamat po sa pag take ng time sa pag basa ng saloobin ko bilang ftm sa baby ko. alam nyo po every time na maka ramdam ako ng doubt sa self ko sa pag alaga sa anak ko binabasa ko tong reply and advice mo sa akin. its a big help po talaga, gumagaan ang loob ko. tama po kayo marami pang pagkakataon na maka bawi ako sa kay baby hanggang sa pag laki nya ako ang lagi nyang kasama.. salamat ng marami mommy. na inspire nyo po talaga ako.. naging channel of blessings po kayo samin na worried moms.. continue to be a blessing sa ibang mama din po.. God bless you more mommy...

Trending na Tanong

Related Articles