#feelingkowalaakongsilbe First time ko po mag post dito mga momsh maglalabas lang po sana ako ng sama ng loob. first time mom po ako at may baby ako na mag 2 mos. old pa lang this coming dec. 18. Most of the time ang yaya talaga namin ang nag aalaga sa kanya. dun na si baby natutulog sa kwarto ng yaya namin kasi halos araw2 sumasakit ang ulo ko sa puyat. Noon madami pa ang milk supply ko sa kay baby. simula nong hindi ko na sya lagi katabi matulog unti unti nang bumaba ang milk supply ko. mas pinag hina-an ako ng loob nung sinabi ng yaya namin na lalayo ang loob ng baby ko pag ganon. tapos mas lalo na akong na down kung ako na ang kakarga kay baby, iyak na sya ng iyak sa akin at tatahan na kung ang yaya nya na ang kakarga.. tapos yung baby ko kasi masyado ng malaki sa edad nya pag may nag tanong kung bakit ang laki laki na nya ang sagot naman ng yaya namin kasi sya ang nag aalaga kaya lumaki ng ganyan ang anak ko. kaya ako mga momsh pag naka rinig ako ng ganon tumatahimik na lang ako at walang kibo sa isang sulok.. di ko minsan maiwasan na makapag isip na "WALA NA AKONG SILBI.." NILUWAL MO LANG ANG ANAK MO AT SA IBA GUMAGAAN ANG LOOB NG BABY MO., PArang ganon mga momsh. wala lang talaga ako mapagsabihan ng saloobin ko kaya minsan kinikimkim ko na lang ang mga pinagsasabi nila kahit sobrang sakit na sa akin yun at apektado ako.. yun po yung feeling na wala ka ng tiwala sa sarili mo yung nag low self esteem na po ako.. feeling ko po talaga wala akong kwenta kung mag alaga sa anak ko kasi yun po yung pinaparamdam at sinasabi po sa akin.. umiiyak po ako habang tinatype ko po ito. sorry mga momshies kung napahaba. need ko lang po comfort ngayon. sino po sa inyo ang nakaranas din ng ganito po?
Read moreMy Orders