Nagsasawa

Feeling ko nagsasawa nako sa bf ko. Lagi nalang kase ganto away, Bati, Lagi nalang ako nagseselos. Kumbaga 50/50 nalang tiwala ko sa kanya. Dati kase eh niloko nyako, Nahuli ko siyang may kayakap nakita ko sa phone nya nung tinignan ko. Nagsinungaling pa siya na pinsan nya yun. Hindi ko nga alam kung nagalaw nya yun eh. Fuck boy pa nmn to. Kapag inuman at may babae alam na, Ganon siya. Hindi ko alam ugali nya na ganon siya hanggang sa tumagal. Babaero pala siya, akala ko matino. Then yun pinatawad ko siya dahil mahal na mahal ko siya nun. Ilang months nangbabae parin, Ilang ulit siya nangbabae. Harap harapan ko pa kapag magkagalit kami. Walakong nagagawa kundi habulin siya, Umiyak na wag nyako iwan dahil siya nakauna sakin. Hanggang ngayon na nagsama kami ganon parin siya. Pero nung buntis nako ngayon 3months, hindi na siya madalang. Pero yung trust ko sa kanya 50/50 nalang. Kapag magkalayo kami feeling ko uulitin nya ulit yun, atsaka nagseselos na din ako paranoid na dahil na trauma na. Nagagalit ako kapag nakakakita lang siya ng mga nakabikini or magagandang babae. Ngayon feeling ko nag sasawa nako sa gantong sitwasyon, parang ayoko na. Gusto ko nalang mapag isa para mawala yung galit at lungkot sa puso ko. Hindi ko na alam nangyayari sa sarili ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hanga ako sa mga babae na kahit na sa una palang alam na nilang walang kwenta ung lalaki minahal padin nila hayss pag-ibig tlaga Hnd lang nakakabulag .. nakakabingi pa.. kung sa bagay mas maliit ang population ng lalaki kaysa sa babae,mas madali pa mamatay ang lalaki. Anyways Choice mo yan eh from the start alam mo naman fuckboy pinatulan mo pa, hindi laaht ng lalaki nagbabago,Madalas sa palabas lang un. 1% lang ung tarantado mo nakilala tapos tumino.

Magbasa pa