Father's Day na! May gimmick ka na ba?

May regalo ka na ba kay hubby this upcoming Father’s Day? Manalo ng awesome FREEBIES for you and your hubby! Step 1: Pumunta sa https://tap.red/pmd8k at i-click ang “Participate”. Step 2: Magpost ng picture ni hubby sa photobooth na pinapakitang tumutulong sa gawaing bahay o kaya nagaalaga kay baby! Step 3: Kumpletuhin ang “#DabestSiHubby kasi ________ “ sa caption ng iyong entry. Ang mga mananalo at magkakaroon ng: > Any item of your choice from https://mylilies.me > Exclusive gift from LOV (not yet in the market!) > Father's day gift na undies set para kay hubby Winners will be announced every Sundays starting May 31 - June 21!

Father's Day na! May gimmick ka na ba?
75 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

#DabestSiHubby kasi kahit hindi pa natin alam na buntis ako at wala pa tayo sa tamang edad para sa gantong sitwasyon ikaw yung nagpapalakas at nagkukunsinti saken na "kung nandyan na talaga si baby, itutuloy natin at paghahandaan ko, paghahandaan natin". dahil magulo ang isip ko nung mga panahon na yun kasi ayoko matulad sa iba na iniiwan sila ng partner nila at hindi pinanindigan pero nung nalaman na natin pati ng mga magulang natin na buntis ako pinatunayan mo na mahal na mahal mo kami ni baby sobrang alaga mo saken at konting kilos ko nag aalala ka agad kasi baka kung mapaano ako hahaha kaya ayaw mo na gumawa ako ng mga gawaing bahay pati family mo ganun din saken kaya yung asawa ng kapatid mo na buntis din inggit na inggit saken 😂 hanggang sa manganak ako nandyan ka mas lalo kitang minahal nung nagchat ka na "dito lang ako mahal, hindi ako uuwi hanggat hindi ko kayo kasama ni baby". kahit puro ka na kagat ng lamok, kahit sa labas kana ng ospital natutulog at naliligo hindi ka talaga umalis malayo din ang bahay natin gawa ng lockdown kaya dinadalhan ka nalang nila mama (parents ko) ng pagkain at damit thank you sa parents ko kasi kahit malayo yung nilalakad nyo araw araw nandyan parin kayo hinihintay kami ni baby cs kasi ako at maraming nawala na dugo saken kaya kailangan ko masalinan ng tatlong bag ng dugo kaya umiiyak na ako sa ospital kasi kung ano ano ang pinaggagawa saken at di ka rin pede pumasok sa ward dahil mahigpit gawa ng virus na yan kaya di mo rin masilip si baby, si baby healthy naman at sya ang binigyan ng go home pass sa papel niya pero di pede iuwi pag di pa magaling ang mommy salamat sa husband ko dahil pinatunayan mo na mahal mo kami ni baby 😊 hindi mo kami iniwan kahit na anong mangyari nandyan ka sa amin kahit ang hirap ng pinagdaanan natin simula nung nagbubuntis pa ako hanggang sa manganak 😊😊😊 hindi kita bibiguin sa pinako ko sayo sa harap ng judge, at mga magulang natin nung kinasal tayo na " bibigyan kita ng masayang pamilya 😊 ". Advance Happy Father's Day sa husband ko 😊 I Love You 😘😘😘😘

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

#DabestSiHubby kasi hindi lang si baby ang inaalagaan nya, pati narin ako at tumutulong pa sya sa pamilya ko. Napaka responsible nya pag dating samin ni baby. Nag tatrabaho sya maigi para maibigay yung mga gusto at pangangailangan namin mag-ina. Inuuna nya kami lagi kaysa sa sarili nya. Yung pera na sana pang kanya nalang, ibibigay nya pa sakin para daw may pang gastos daw ako sa kung anong gusto ko. Pinag luluto nya ako pag nagutom ako, kahit anong oras pa yan. Kukunin nya si baby sakin pag alam nyang puyat ako at kailangan ng pahinga. Nagagalit sya pag naglalaba ako kasi gusto nya sya ang maglaba dahil iniisip nya yung sugat ko dahil na CS ako, ayaw nya daw mapagod ako at mawala ako ng maaga hahahaha. Minamasahe nya yung likod ko lalo pag sobrang sakit ng balakang ko. Kahit minsan hindi sya nagreklamo ng kahit ano. Masaya pa sya at nagkukusa. Mula nung nabuntis ako, hanggang ngayon na 5 months na si baby, hindi sya nagbabago. At ramdam na ramdam namin ni baby yung sobrang pagmamahal nya samin. Kaya tuloy si baby ay mas gustong sumasama sa kanya hahahaha. Kaya masasabi ko na superrrr #DabestSiHubby.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

#DabestsiHubby kasi sa kabila ng pagsisilbi niya sa ating bayan bilang sundalo, nababalanse niya ang kanyang oras para sa sarili niyang pamilya. Hindi madali ang kaniyang trabaho bilang sundalo pero hindi rin ito naging hadlang para hindi niya pagtuunan ng oras ang anak at asawa niya. Walang segundo, minuto, oras, at araw na hindi siya nangamusta sa lagay namin tuwing nalalayo siya. Kaya kahit madalas malayo siya, hindi namin ito ramdam dahil sa sobra sobrang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa amin. At kung makauwi man siya, kahit alam mo na pagod at hirap ang pinagdaanan niya, wala kang mararamdaman kundi galak dahil sa ngiti na salubong niya. Bayani siya ng marami kung maituturing pero para sa amin, siya ang nag-iisang 'The Best' na asawa at tatay na kailanman hinding hindi namin ipagpapalit! Saludo kami sayo, Tatay! Kasama mo kami (ang Diyos at pamilya mo) palagi sa laban mo! Mahal na mahal ka namin. Happy Father's Day ❤️

Magbasa pa
Post reply image

#TheBestsiHubby kasi, since buntis palang ako alagang alaga na ako ni hubby sa pagkain ng masusustansiya at lagi niya akong nilulutuan, never niya ako pinagwowork sa bahay. Luto, hugas plato, linis ng bahay, marketing even my paper works sa school tinutulungan niya ako, since sensitive ang pregnancy period ko siya na din nagpapaligo sakin pag hirap na ako, the best talaga siya! at lalo nang lumabas si Lo, lalo niya pinatunayan at pinanindigan ang pagiging daddy niya, siya na nag aalaga kay baby, nagpapaligo nagpapadede, since for recovery palang ako at medyo mahirap ang panganganak, si hubby ba nagreplace ng mga responsibilities ko, Kaya para sa akin the best siyang Hubby and daddy for my little one...we love you😘hope someday makabawi din kami sayo😘

Magbasa pa
Post reply image

#DabestsiHubby kasi siya ang superhero namin. Tumutulong siya sa gawaing bahay, nagluluto, naglalaba, inaalagaan niya kami. Nakikipaglaro sa mga bata. Gumagawa siya ng way para makapagbonding, makapunta ng mall, kahit sobrang busy niya sa trabaho niya. Imbes na makapagpahinga kapag day off niya, yun ang gagamitin niya para makagala kami at makatulong sa gawaing bahay at alagaan mga anako namin.. At kahit sa manila na siya nagtatrabaho, binibigyan niya parin kami ng oras. Bago kumain, pagkatapos kumain, at kahit anong gawin niya tatawag at tatawag siya. 😊Wala na po akong masabi. Iyan po ang aking dabesthubby. Ang aming superhero. ❤️ P. S advance happy fathers day sa ating mga dabestTATAY 🙂

Magbasa pa
Post reply image

#DaBestsiHubby kasi kahit wala siyang alam n gawain bahay kapag inutusan ko sumusunod naman. Lahat ng trabaho napasukan niya na simula high school siya (working student). Bilib ako jan kasi napatapos niya sarili niya, estudyante sa araw call center agent sa gabi, ligo na lang pahinga niya kaya nung nka tapos siya sobrang saya ko para sa kanya. Wala siyang alam sa loob ng bahay pero pag dating sa trabaho wala yan aatrasan at kahit pagod na, ina alagaan niya parin c baby ❤️. I love you tatay. Happy Father's Day 😘 P.S: Yang picture na yan, kaka tapos niya palang jan maglaba habang nka work from home. Habang ngpapahinga siya kinuha niya muna sakin si baby para mka kain ako ng maayos 😍

Magbasa pa
Post reply image

#DabestSiHubby kasi inuuna niya muna akong tulungan magasikaso ng gagawin sa bahay at magalaga ng anak namin bago siya pumasok sa trabaho. Minsan siya nagluluto pag naunang nagising, paguwi galing trabaho magpapahinga pero magbibigay ng oras sa anak namin. Ngayong panahon ng pandemic, kahit gipit gumagawa siya ng paraan para may pangkain kami araw araw pumapasok siya sa trabaho kahit naglalakad lang kahit ang init ng panahon at dahil frontliner kahit nakakatakot baka kasi mahawa, hanga ako kasi sinisipagan niya para hindi kami magutom. Kaya nakakaproud dahil ang swerte ko sa asawa ko. Kaya paguuwi siya ng masakit paa hinihilot ko siya para naman bawi ko sakanya hehe.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

#DabestsiHubby kasi ako ang first girlfriend nia! Mula nung highschool na naging kami hanggang ngayon pareho pa rin ang pagmamahal na ipinararamdam niya sa akin. #DabestsiHubby kasi napakasarap niya magluto, while hindi naman ako marunong. I'm trying though. #DabestsiHubby kasi ginagawa niya ang lahat para sa akin, at lalong lalo na para sa aming "preemie warrior". Kaya naman this coming Father's Day (1st mo), I Salute You, Dad, for everything and for the unconditional love. I will forever be grateful. ❤❤❤ at ngayong first father's day mo i'm planning to buy you a mug para sa pagkakape mo while working HARD from home. we love you daddy!

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

#Dabestsihubby hindi dahil sa pag-aalaga niya kay baby at pag-tulong sa gawaing bahay kundi ay dabest siya dahil sa pagsasakripisyo mag-trabaho ng malayo para samin ng anak namin. 4 months lang si lo nung nakita at nahawakan niya, umuwi lang siya ng isang gabi tapos balik trabaho na sa makatuwid 8 months na nya kaming hindi nayayakap at nahahawakan. Makakauwi na sana siya ngayong May 28 bago mag-birthday at pabinyag na sana si baby namin sa May 31 pero dahil sa quarantine, mage-extend na naman siya ng ilang buwan pa siguro dahil di pa daw magpapasampa ng crew yung kompanya. #LDRpamore😂☹️

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

#DabestSiHubby kasi kahet pagod na sya sa trabaho gumagawa padin sya ng mga gawaing bahay tulad ng pagluluto,paglilinis,pag huhugas okay lang daw na mapagod sya basta safe kame ng anak ko hehe di pa kase ako nanganganak pero malapit na 4months nalang kaya todo alaga talaga sya saken😍 and so thankful to have a boyfriend na tulad nya na gagawin lahat ng gawaing bahay o lahat ng mga kailangang gawin ng walang panunumbat as in galing talaga sa puso yung tipong mararamdaman mo talaga yung pagmamahal nya kahet sa ganung paraan😊 kaya #DabestSiHubby ko😍 HappyFathersDay Byy Iloveyou💕😍

Magbasa pa
Post reply image