105 Days SSS MATERNITY BENEFIT

FAQ on SSS Maternity Benefit under the Expanded Maternity Law Ang Expanded Maternity Law ay effective mula March 11, 2019 Meaning lahat ng nanganak ng March 11, 2019 pataas ay makakapag avail ng mas malaking benepisyo. Dati ay 60Β days ang Normal Delivery at 78 days naman sa Ceasarean. Ngayon ay naging 105 days na ang Benefit Normal man o Ceasarean.Β  Regardless kung Employed/Voluntary/Self Employed/OFW o Non Working Spouse ay pwedeng magclaim ng SSS Maternity Benefit. Kung nalaman mong buntis ka, magpasa ng SSS Maternity Notification o MAT1 sa SSS. Dapat at least may 3 hulog ka sa loob ng isang tao bago ang semester ng iyong panganganak para ma-qualify sa SSS Maternity Benefit. Pwede kang mag-apply ng Maternity Benefit kasal man, living in, o single mom ka. Ang babaeng SSS member lamang ang pwedeng mag apply ng Maternity Benefit. Kung ang asawang lalaki ang miyembro ng SSS at ang asawang babae ay hindi, walang makukuhang maternity o paternity benefit. Ang number of days ng benefit ay: 105 Days sa Normal o CS Delivery 60 days sa Miscarriage o Ectopic Pregnancy 120 days kung Single Parent Wala nang limit kung ilang panganganak. Dati ay hanggang apat na pregnancy lamang Obligado na sa bagong batas na ibigay ang differential salary sa empleyado. Kung 30k ang sahod mo kada buwanΒ  at kung ang nakuha mo lng s sss ay 16k as maximum as of now ay ibibigy nila ang kulang base sa iyong sahod Ang Maternity ay isang Beneposyo mula sa SSS at hindi Loan. Libre itong ibibigay ng SSS basta qualified ka at nagsubmit ka ng required na dokumento. Kung may kasalukuyang utang ka sa SSS ay hindi ibabawas ang iyong loan balance sa makukuha mong Maternity Benefits May option kang itratransfer mo ang 7 days sa ama ng iyong anak (98days lang babayadan sayo) Kung nakapanganak ka na ay hindi mo na kailangang magpasa ng MAT1 (kung sa lying in o bahay ka nangaanak ay subject for investigation pa ng SSS) Kailangan mong mag open ng Account sa SSS Accredited Bank para diretso na sa ATM idedeposit ang Maternity Benefit mo at hindi na cheke ang ibibigay. Sa ngayon ang maximum na makukuha ay 70k since 20k na highest MSC sa katumbas na 2400 a month na contribution

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi poh ask ko lng poh kung pano pag d nka abot ng pag huhulog pwede p rin poh b hulugan un kahit poh nka panganak kna