21 Replies

VIP Member

For me. kahit siguro kaya kong pagaralin sa private yung anak ko, pipiliin ko syangi-enroll sa public. Lumaki kasi akong nag aral sa private then nung nag college ako don ko lang na notice na sobrang liit lang pala ng mundong ginalawan ko kasi halos ka average mo yung mga tao sa private school. Ang dami kong hindi naranasan, kahit mag commute ng malayo, kumain ng street foods . Simula nung nakilala ko yung daddy ng baby ko don ako nagkaron ng napaka laking adjustment since below average yung buhay ng family nya. Kaya gusto kong i-public yung anak ko para as early as now matututo syang makisalamuha sa iba’t ibang klaseng tao mataas o mababa man sakanya.

I feel you sobrang liit tlga ng mundo, elem. ako private nag sisi ako bakit hindi ako pina public agad , kasi hs na ako nag public

ako siguro public ☺️ gusto ko ma exposed ang magiging anak ko sa mas madameng bata at kalaro ☺️ from private school kse ako, ang tingin smen noon ng ibang students mayayaman, mayayabang at matatalino 🤣 akala lang nila yon,nung lumipat ako sa public mas bet ko exposed ako sa lahat ng bagay at madme akong mas naging friends at mas maganda ang aral ☺️ plus points madameng freebies na food sa public 🤣 may libre biscuit, instant noodles at mas madameng food choices sa canteen hahaha plus pwede bka rubber shoes kahit naka palda 😁 tas mas mas mura ang tuition hahaha ung asawa ko private sya non mataas tingin ko sa knya hahahahaahaahahahahahaha

VIP Member

For me habang bata mas gusto kong maexplore niya muna ang public schools. Same saken at kay LIP laking public school kami. Dun namulat ang utak ko tungkol sa iba ibang kalse ng tao. At nung nag high school nako, mas pinili kong mag public peeo ayaw ng magulang ko. Yung napuntahan kong private school, pataasan ng standards. Hirap ako mag adjust dahil minamata nila ang mga galing public. Ayoko namang mangyare sa anak ko ang naranasan kong judgement noon. Hindi natin maiiwasan ang mga ganong klase ng mindset nila. Ayoko lang maranasan ng anak ko ang ganon. napag disisyunan namin na pag dating ng college tsaka namin siya ilalagay sa private.

True ito yahaha, kapag kasi high school lam mo naman dami nag ijnarte sa private. Pag nakatapos naman pare-parehas lang naman kayo ng position sa work.

Sakin mommy yes maganda sa private Kung Kaya nyo naman ☺️ Pero mas pipiliin ko na sa public pumasok anak ko.. sa totoo Lang matalino anak ko kinder at Grade 1 nya Top 1 sya. napakadaldal Kasi English speaking. magaling makipag usap.akala mo Hindi 7 years old. in short advance sya sa mga grade 1 na kalevel nya gusto ng mother in-law ko sa private sya Dahil nga ganun sya but pinili ko na sa public sya . gusto ko Kasi maranasan nya ung makisama sa mga batang tulad nya . ayoko syang makulong sa puro aral lang . masaya Kasi sa public ☺️ lahat mararanasan mo...

For me depende kasi eh Sa public kasi mejo malapit sa reality ang sitwasyon 😅 Kmi public from Kinder to HS. And sa totoo lang naenjoy ko ang school days LOL Kaya ito wala akong regret at chill lang when it comes to school. So gusto ko ganun din sa anak ko. ayaw ko ng pressure saknila when it comes schooling ung sakto lang sana. Kasi si Hubby private/high svhool sya pero mas nag enjot sya sa public LOL

sakin po laking private school ako kinder-h.s gusto ko po ma experience ni baby ko ang public school mas napapansin ko po kasi na madami silang exploration like madami silang natututunan sa pakikisalamuha sa ibang ka edad nila unlike sa private na pataasan ng ihi, yung public school naman po dito saamin ee mahigpit naman natututukan naman po nila mga studyante kaya mas prefer ko din po talaga public

Hi mommy 😊 I suggest if face to face class go with private school kasi mas matututukan yung bata kasi madalas kaunti lang sila unlike sa public school. no beef with the public school kasi nag public din yung baby sister ko nung nag grade 1 siya and I know nasa bata din yun pero if online class lang naman and modules. any school is good.

For me momsh, it depends. if kaya ng budget then private school but kung hindi, public. both naman okay ang pagtuturo. nasasayo na lang kung paano mo didisplinahin ang anak mo na magaral mabuti at di mapariwara 😊 ang mahalaga makapagaral sila at magkaroon ng magandang future 🥰 gabayan lang natin sila bilang magulang.

TapFluencer

i would choose public school sa panganay namin. kasi feeling ko mas competitive mga teachers sa public school. tsaka parang simple lang ang buhay nila doon at walang magiging masyadong insecurities. 😅. my sisters went to private schools pagkahighschool nila. ako lang ung public school until highschool.

Teacher sa public school yung mama ko, maganda naman ang public school if don ka sa first section or basta sa higher. Medyo di na kasi natututkan ung mga bata sa dami. If face to face mas ok private, if hindi, pwede na ung public unless first section sya malalagay okay din.

Trending na Tanong

Related Articles