Hospital Bag

Hi everyone ask ko lang po when po kayo nag start mag pack ng hospital bag para kay baby? Andami ko kase nakikita na checklist pero ano po ba talaga ang mga essentials na dadalhin ? sa sobrang dami ko nakikita buong bahay na ata kailangan ko dalhin ?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako pag tungtong palang ng 37 weeks na ko nagprepare. - documents (not necessary kasi di naman siya kinailangan) dalhin mo lang yung papel na ipapadala sayo ng ob mo if ever na meron for admit something - baby clothes & sayo (Yung tama lang dalhin mo wag masyadong damihan, nagdala ako non ng isang pantulog at pang alis if mag sstay pa kayo ng ilang araw) - cloth/disposable diaper (nagdala ako non ng 10 pcs.) - toiletries (betadine fem wash, shampoo, sabon, toothbrush/paste, hairbrush, pangtali, tuwalya if ever lang na maliligo ka) - adult diaper & napkin (eto kailangan talaga to di kami nakadala neto kaya kahit sobrang gabing gabi na tumakbo pa sila sa convinience store kaya magdala po kayo niyan) - franella (kahit 2pcs lang para pag lalabas na kayo balot niyo kay baby) - pagkain (lalo na pag mag sstay pa kayo) - bottle/milk/distilled water (kung wala pa kayong milk if ever lang) - washcloth or lampin - baby wash para pag liliguan na si baby (babyflo oatmeal bath gamit namin kay lo) Yan dinala namin.

Magbasa pa
Post reply image

36weeks 5days na ko.. 35weeks palang nakapack na. For baby: 3sets -tie side shirt, pajama, receiving blanket, lampin, bonnet, mittens, socks, wash cloth, diaper, soap, baby oil, ethyl alcohol, cotton For mommy: 2sets-top, pajama, undergarments, maternity pads, socks Extras: small kumot for bantay, extra nappy, toothbrush, toothpaste, soap, pranela blanket for baby Yung unang ggamitin ni baby naka lagay sa ziplock with names whats inside para pag hiningi kay hubby iaabot na lang nya. Basta naka ziplock na per set kasi feeling ko mas kabado pa sya sakin.. goodluck satin.

Magbasa pa

ako po 36 weeks ako sakto nagprepare ng gamit. 2 pairs of longsleeve ties sides and pajamas bonnet mittens and socks.1 pair shortsleeve with pajama bonnet mittens and socks. 2 going home outfit. extra yung isa. isang receiving blanket. 2 swaddle. 2 pranela. 2 lampin. 2 mini towel. dove baby wash, alcohol, cotton balls, wipes. diaper each pairs. tapos may extra akong 10 diaper na dala.. ayan yung gamit ni baby..

Magbasa pa

It would be better to prepare early. May mga cases kasi na biglang nanganganak ng 7mos. Of course, we don’t want that to happen pero much better po na prepare na gamit. 😊 Turned 27weeks kahapon and kakaayos ko po ng hospital bag ngaun. 😊

Same here 37 weeks ako nagstart magisip mag prepare ng mga dadalin nung una konti lang ngayon sabe ng hubby ko sobrang dami naman daw namin dadalin hahahaha well may sasakyan naman kaya ok lang magdala ng madami wag lang kulang

Eto useful. Nagamit ko nung manganak ako. Water and baby bottles nalang sakali if di agad lumabas breastmilk.

Post reply image
VIP Member

31 weeks na po kami and ready na din ang bag ni baby. Nag threatened pre term kasi ako nung 29 weeks.

Around 30weeks po skn peru Lagi ko nman po chinicheck ang gamit ko & kay baby bag ni baby haha

8mons aq ng umpisa..kunti lng po dinala q tag 4 n piraso ng damit tpus swaddle blanket diaper

31 weeks ready na mga gamit ni baby. Ung mga gamit ko naayos ko na rin.