42 Replies

Ms Tin, after mag thaw ang breastmilk, medyo malamig pa po kayo ang temperature niya. Worried lang po ako na baka kabagin si baby pag pinainum ko ng malamig pa. Pwede po ba na malamig or dapat antayin maging room temperature yung mismong milk?

sakin ayaw nya nang malamig🤣 kahit di naman naka ref pinump kolang kasi para deritso na pag gising nya kaso mapapa init kopa pala kasi ayaw nya nang malamig kaya ginawa ko mainit na tubig ininit ko nilagay ko bottles 🍼 don so far dinidi nya napa gasto pako sa butane kaya deritso latch nalang 😅 para dina mag init 😅

Regarding Storing and Consumption of Pumped Breastmilk, first time mom here, I need your help regarding on how to store properly pumped breastmilk, how many hours will it lasts and proper consumption of the baby on refrigerated breastmilk.

we recommend also, last in first out para mas marami pang nutrients, kukuha lang ng frozen milk kapag naubusan na kayo ng fresh.

Ms Tin hello po, totoo po ba na bawal ishake ang pumped breastmilk? Twing naf-freezer ko po kasi namumuo-muo siya pag thawed na. Kaya minsan shineshake shake ko po gently. Ano epekto nito kay baby? Na worried lang po ako bigla. Thank you!

hindi naman harmful ang breastmilk kahit namuo, kung di lang mag combined lahat at maiiwan sa bag or container ay sayang ang bawat nutrients.

Ms Tin, Advice please. Normal lang po ba na kada dede ni baby ng pumped breastmilk ay mag poop siya? Mix feed po siya breastmilk and bonna, 8 days old palang po salamat!

Hello po Ms. Tin, magpapatulong po sana ako kung paano ibalik na makapagproduce ako ng abundant breaskmilk kay baby. humina po kasi, less than an oz everyday nalang due to my hospitalization. Baby dont want to latch my breast anymore and Im back to work. I'm taking malungay capsul but once a day only. Still, kakaunti parin na papump ko po. pano po kaya magugustuhan ni baby ulit yung paglatch ng breast ko, she's 3months old.

TapFluencer

Hi Ms Tin! How can I properly use Breastmilk Storage Bags? Pwede ba yung iniipon ipon ko muna siya during pumping tas nasa lamesa lang habang pinupuno ko? or dapat ilagay KAAGAD sa ref sa unang pump?

Hi Mommy Hazel, pwdeng ipunin ang breastmilk kahit sa room temp lang, kung malamig ang panahon pwdeng within 10-12 hrs saka ilagay sa ref , kung ilalagay mo naman sa ref ay same temperature ang pwdeng paghaluin. 3-5 days sa ref at saka i transfer to freezer kung within 3 days ay di pa rin nagamit ni baby

Ms Tin ask ko lang po sana if normal bang magiba yung taste ng breastmilk after ifreezer and thawed? Nagiiba din yung amoy. Ang ending tinatapon ko nlng nakakapraning kasi

Hi Mommy , yes po normal lang, iba iba rin ang lasa depende rin sa kinakain or diet natin. don't compare sa ibang Mom. better try mo magpa-panis ng breastmilk mo kahit kaunti lang instead of itapos. robust naman ang ating breastmilk hindi basta nasisira. kapag nag separate na ang fats ng breastmilk after thawing pwdeng hindi na pwde, pero kung nag combined pa rin ang foremilk at hindmilk means pwde pa. kapag nagpa panis ka pwdeng everyday mo tignan at lasahan.normally ika 5-7 days ang ideal ng obserbasyon.

Traveling/Working mommy po kase ako maam Tin. So cooler cooler lang gamit ko, then transfer ko nalang sa freezer kapag may naabutang ref/freezer sa lodging. Okay lang po ba iyon?

Any advice po for proper breast milk storage? Pwede po bang dagdagan yung lalagyan ng milk storage na may laman na if 2-3 hours interval yung pag pump ko? Salamt po sa makakasagot

yes po, within 10-12hrs sa ref pwde mong pagsamahin ang breastmilk basta't same temperature. kung malamig na ang naunang naipon mo at may fresh ka, palalamigin mo muna ang fresh at saka ihalo sa nauna.

ms.tin bkit po kaya yung breastmilk kpag frozen tpos thawed sa chiller then pinainit thru hot water nagkakaroon ng yellow sa ibabaw i mean madilaw po.. safe po bang ipadede pa?

Hi Mommy Galay, wag mainit, better kung warm lang para di pa mabawasan ang nutrients , ang dilaw na nakikita mo ay maaring colostrum pa kung less than 1month pa lang si baby, or Hindmilk na normal na maputing maputi at madilaw, good fats at high sa DHA good for the brain.

Baka meron pong ibang indicators na expired na ang breastmilk bukod sa time? like sa lasa po or itsura. Ano po ang ibang factors na expired ang breastmilk?

bukod sa nabanggit mo Mommy, swirl mo ang breastmilk, kapag nag separate na ang fats or namuo na kahit thaw pa sa warm, means expired na.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles