"Naiinis ako sa asawa kong wala ng ka-romance-romance sa katawan!"

Ever since parang hindi naman talaga siya ma-flowers/balloons/chocolates twing Valentine's Day or sa mga okasyon. Alam ko sasabihin niyo maliit na bagay lang yan. Pero minsan bilang babae, gusto ko din minsan maka experience ng unting pa surprise, unting pa bulaklak, unting pakilig. Naiinis lang ako na pag sa sex G na G siya pero hindi niya ako napapakilig sa mga maliliit na bagay. ang hirap tuloy ganahan. Tuwing kinakausap ko siya lagi niyang sagot "hindi naman nasusukat sa ganon-ganon ang pagmamahal ko sayo" Ang love language niya ay service, hands-on father siya at lagi niya kami pinagluluto. pero gusto ko lang talaga maka experience ng KILIG sa mga pabebe things kahit minsan lang. Mali ba ako doon?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same..although nung una nming valentines day as couple bnigyan nman nya ko pero hbang tumatgal nawawala na..khit man lng isang piraso lng ng rosas db sobrang nkakakilig n kya un.inaway ko tlga xa dati haha ngayun my baby n kami mas lalu nko d mag expect..

VIP Member

Hindi naman, mii. Pero kelangan nyo po ng communication. Aminin mo yan sakanya. Napaguusapan naman yan. Sabihin mo kahit scripted, sorpresahin ka man lang nya. Or, umpisahan mo sa sarili mo, mii. Surprise mo din siya minsan.

10mo ago

+1 to this

Valid naman yang nararamdaman mo mommy pero try mo logout fb mo para hindi mo makita mga natatanggap ng ibang mga babae galing sa husband nila. Tendency kasi na ma-compare natin at gustuhin natin na sana tayo rin magkaganun.

maging thankful ka na lang na ganon asawa mo sis..yong asawa ko nga hindi nagluluto.ml at inom sya pag walang trabaho pero pinapabayaan ko na lang kesa mag-away pa kami.

VIP Member

mqy different love language po kasi ang mga tao. act of service po sa kanya. kaya di sya showy ng pagmamahal. di naman po nasusukat ang pagmamahal dahil lang sa kilig at flowers

hindi rin sweet si hubby. hinajayaan ko na lang basta ba di nya pabayaan mga pangangailangan namin, pinapakilig ko na lang sarili ko sa mga pinapanood ko 😂😂😂

valid yang feelings mo mii. try mo maglambing or magparinig baka tablan 😅 ganyan din ako lalo na ngayon preggy ako jusko ang hormones ko asawa ko pinagiinitan 😂

Same With You Asawa Ko Maalaga Naman sya At Lagi nya ako Naalala pero Sa Mga Pa Flower Or what Hindi sya mahilig ayaw nya Yun HHAAHAHHA korean kasi

Same With You Asawa Ko Maalaga Naman sya At Lagi nya ako Naalala pero Sa Mga Pa Flower Or what Hindi sya mahilig ayaw nya Yun HHAAHAHHA korean kasi

TapFluencer

saken nga very complicated situation namen .. di ko na tuloy alam kung mag gogrow pa relationship namen