"Naiinis ako sa asawa kong wala ng ka-romance-romance sa katawan!"
Ever since parang hindi naman talaga siya ma-flowers/balloons/chocolates twing Valentine's Day or sa mga okasyon. Alam ko sasabihin niyo maliit na bagay lang yan. Pero minsan bilang babae, gusto ko din minsan maka experience ng unting pa surprise, unting pa bulaklak, unting pakilig. Naiinis lang ako na pag sa sex G na G siya pero hindi niya ako napapakilig sa mga maliliit na bagay. ang hirap tuloy ganahan. Tuwing kinakausap ko siya lagi niyang sagot "hindi naman nasusukat sa ganon-ganon ang pagmamahal ko sayo" Ang love language niya ay service, hands-on father siya at lagi niya kami pinagluluto. pero gusto ko lang talaga maka experience ng KILIG sa mga pabebe things kahit minsan lang. Mali ba ako doon?