Share my Experience

So eto na nga hano excited ako ikwento pinagdaanan ko ? Oct.19 may panakit nakit nako sa puson na nararamdaman, diko naman pinansin kasi parang wala lang naman then Oct.20 ganun paden so nag mall pa kami ni hubby para makalakad lakad mga 11am tapos bago mag 3pm nakauwi nadin kami naghihilab pdin pero matagal interval pero mas ramdam hanggang sa nag gabi na 12am Oct.21 masakit na sya yung hilab nya 10 to 15mins na ang balik hanggang sa nakatulog pako ng 4am at nagising ng 5am ganun padin masakit na so ako naman inisip ko naglalabor nako pero mukang matatagalan pa, umihi ako may parang mucus plug na pero kaunti at white na white pa sya after nun inaya ko pa hubby ko maglakad at habang papatagal masakit na talaga hanggang sa umuwi nako samin kila mama ko 7am maskit na talaga as in sabi ng mga kapatid ko manganganak nako maya maya maligo nadaw ako sabi ko ayoko pa hindi pa yan kasi ayoko tumambay sa clinic ni dra. Gusto ko yung sure na sabi pa nila sguro nga wala pa dahil nakakangiti pako hintayin nalang daw nila ko maiyak pero sabi ko kahit anu mangyare di ako iiyak sa sakit ? kinakalma ko sarile ko haha pero nung bandang 8am naligo nako kinabahan nako at tinext si dra 9am sa clinic na kami na IE ako 3cm palang pinainom ako primrose tapos pinabalik ako ng 2pm hanggang mag 2pm daw maglakad ako so ako nagpunta pa kmi ng mall hanggang 2pm tlaga naglakad ako e at pag balik pahihilabin nadaw tiyan ko which is super hilab na kahit pinagttinginan nako tao sa mall sa pamamalipit ko naglakad talaga ko kasi natatakot ako na di bumuka ng tuluyan cervix ko at di ako manormal nagdudugo nadin at mucus plug ulit with dugo na. So 2pm sa clinic na kami nilagyan nako swero na may pampahilab daw di super duper super sakit na talaga kinuha nadin mga gagamitin kay baby, hanggang sa IE ulit 3cm paden nakita ni dra. Bat daw ganun wla daw kanina yung kulay nayun di ako naman sabi ko dugo yun dahil sa unang IE nya sakin saka twing iihi ako may dugo naman na red, sabi ng OB ko naka poo poo nadaw ata si baby sa loob kasi kulay itim nadaw lumabas so ako di naniniwala hanggang sa pinaliwanag na samin mag asawa na kaligtasan daw ni baby isipin. At dun nako naiyak na parang walang ibang choice na biyakin na nga dahil ayoko talaga ma cs ginawa ko lahat lahat wag lang ma cs kaso ganun talaga lumipat kami ng hospital habang super hilab tiyan ko na di na talaga kaya pero ayaw naman lumabas. Pag dating ospital mali mali pa kabit ng swero sumabay pa sa hilab pag kaka tusok sakin na kala mo goma na ugat ko pero pilit padin tinutusok so nakatatlong saksak ng swero sakin sabi ko bat ganito hinang hina nako. Hanggang sa nakalma ko sarile ko kahit na labag talaga sa loob ko ma cs so nanginginig ako habang dinadala na sa operating room. Hanggan sa ayun na nga 3:10pm sinumulan na ni ob ko then nayari 3:45pm Oct.21 finally nadinig ko na iyak nya kahit langong lango ako sa anesthesia ?? "Athena Nicole" Baby Girl via CSD 3kg Eto ako ngayun super hirap sa tahi pero nakakalakad na kahit masakit na akala mo bubuka tahi kada gagalaw wala e ganun talaga bastat para sa baby natin, mabuti hindi daw nakain ang poo poo nya at nalaman na cordcoil pala haaayyy mapapa THANKYOU LORD kanalang talaga ❀

Share my Experience
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

grabe hirap mo momsh! pero bilib ako sayo, nakaya mo! sana ako din. going 5 mos preggy here and first time mom. kinakabahan ako actually 😁😁😁 takot ako ma CS and mafeel yung pain ng labor huhuhu. congrats sayo anyway 😊

5y ago

salamat πŸ₯°

Congrats mommy. Ok naging decision mo na magpa cs. Last mos nakapoop si baby sa tyan ng kapatid ko tas nakakain si baby kaya 5 hours lng tinagal nya sa mundo. Wala e. Masakit but need tanggapin.

Congrats momshie. Kinakabahan narin ako habang papalapit ng papalapit ang kabwanan ko. Huhu. Sana normal delivery ako,ayoko din macs. Nagppray ako palagiπŸ™πŸ™πŸ™

Congrats sis.Same tau cord coil pero akin d ako naglabor kasi d bumuka cervix q 41 weeks na.

VIP Member

Congratulations momsh... Buti at safe kayo pareho no baby... Happy healthy recovery 🀱

Kailan po ba talaga duedate mo sis? Congrats po sis, Ganda naman ni baby ❀️

VIP Member

Godbless you baby πŸ™πŸ™πŸ™ congrats momsh, excited na din ako sa baby ko.

Congrats momshie.. Welcome to the outside world baby..

VIP Member

congrats po ... welcome to the outside world baby! ❀

Congrats po,,importante po d kyo pinabayaan ni God..