EPISIOTOMY

EPISIOTOMY Ang episiotomy ay hiwa na ginagawa sa pagitan nang vaginal opening at nang puwit (anus) kapag nasa second stage of labor, kung saan ang ulo ay mababa na at binubuka na ang pwerta (introitus). Ito ay ginagawa para paluwagin ang daanan nang baby kapag manipis na ang balat dahil sa pagstretch ng ulo (paper thin). Ang mga anesthesia na ginagamit dito ay Local Anesthesia o Epidural Anesthesia. May 2 itong uri: 1. MEDIAN EPISIOTOMY – sa gitna ang hiwa na gagawin 2. RIGHT MEDIOLATERAL EPISIOTOMY – 45 degrees pakanan, ginagawa ito kung mukhang maikli ang perineum (bahagi sa pahitan nanag puwit at pwerta). LAHAT BA NANG BUNTIS AY KAILANGANG MAY EPISIOTOMY? Ayon sa World Health Organization (WHO), American College of Obstetrics and Gynecology (ACOG), Royal College of Obstetrics and Gynecology (RCOG) – HINDI KAILANGANG GAWIN ANG ROUTINE EPISIOTOMY. Ang SELECTIVE o RESTRICTIVE Episiotomy ay MAAARING gawin kung kinakailangan gamitan nang instrumentation (forceps o vacuum) sa mga pagkakataon na kailangan mailabas ang sanggol agad-agad (halimbawa: bumababa ang tibok nang puso) o may kondisyon ang nanay na hindi siya pwedeng maglabor at umiri nang matagal (halimbawa: sakit sa puso, high blood) o kaya naman maikli ang perineum (pagitan nang vaginal introitus at puwit). EPISIOTOMY BASE SA LALIM NANG HIWA: 1. FIRST DEGREE – balat lamang ang may sugat, maaaring hindi tahiin kung hindi naman nagdudugo 2. SECOND DEGREE – nakasama na ang mga muscles sa pwerta, ito ay tinatahi. 3. THIRD DEGREE – kasama na ang external o internal anal sphincter, bahagi nang muscle sa puwit na nagsisilbing pintuan kapag kailangan dumumi. Ito ay kailangang tahiin. Nagbibigay din nang antibiotic ditto. 4. FOURTH DEGREE – malalim na sugat na kung saan pati ang rectum o daanan nang dumi ay nasugatan. Ito ay kailangang tahiin. Nagbibigay din nang antibiotic ditto. MGA KOMPLIKASYON NANG EPISIOTOMY: Short Term: 1. Infection 2. Malaking hiwa o sugat 3. Hiwa na umabot sa puwit at mga bahagi nito 4. Problema sa daanan nang ihi (urethral, bladder) 5. Pagbukas nang sugat nang hindi pa ito gumagaling (wound dehiscence) Long Term: 1. Dyspareunia – masakit ang pwerta pag nakikipagtalik 2. Infection 3. Problema sa pag-ihi o pagdumi (urinary/fecal incontinence) 4. Pananakit nang pwerta kahit na matagal nang nanganak PAANO MAIWASAN ANG MALAKING SUGAT O EPISIOTOMY SA PWERTA? Ang mga sumusunod ay maaaring gawin subalit hindi malakas ang rekomendasyon sa mga pag-aaral kung ang mga ito ay makakatulong: 1. Perineal massage - antenatal perineal massage na ginagawa 4 to 6 weeks bago manganak, maaaring gumamit nang oil/langis. HUWAG GAGAWIN KUNG MAY IMPEKSYON SA PWERTA O KAYA MAY KONDISYON KATULAD NANG PLACENTA PREVIA. 2. Warm compress sa perineum sa pagitan nang pagtigas nang tiyan (contractions) sa second stage of labor 3. Modified Ritgen’s Maneuver – pag-alalay sa baba at ulo nang sanggol gamit ang sterile gauze/cloth sa isang kamay habang ito ay papalabas sa pwerta. 4. Hands on approach – ‘guarding’ pagalalay sa pwerta gamit ang dalawang kamay upang siguraduhin na naka’flex’ (yuko) ang ulo nang sanggol habang papalabas nang pwerta. MAKIPAG-UGNAYAN SA INYONG HEALTH CARE PROVIDER (OB O MIDWIFE) SA INYONG SALOOBIN TUNGKOL SA EPISIOTOMY. ANG EPISIOTOMY AY MAAARING IWASANG GAWIN SUBALIT KUNG KINAKAILANGAN, MAGING HANDA SA MAAARING MGA MAGING KOMPLIKASYON NITO. PAAALALA: HINDI KINAKAILANGAN MAGSHAVE SA PWERTA BAGO MANGANAK. SOURCES: https://emedicine.medscape.com/article/2047173-overview href='/feed/hash/a4'>#a4 https://www.cochrane.org/CD000081/PREG_selective-versus-routine-use-episiotomy-vaginal-birth https://extranet.who.int/rhl/topics/preconception-pregnancy-childbirth-and-postpartum-care/care-during-childbirth/care-during-labour-2nd-stage/who-recommendation-episiotomy-policy-0 William’s 25th Ed. https://www.ouh.nhs.uk/patient-guide/leaflets/files/10938Pmassage.pdf

EPISIOTOMY
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Thanks for sharing Momsh