End of January nung malaman kong buntis ako. 1 st baby namin. Pinag bed rest ako ng 2 weeks dahil medyo maselan pagbubuntis ko. Umuwi ako sa province at nag leave sa work para nga makapag bedrest. Then after 2 weeks medyo okey na kapit ni baby, i went back to manila dahil my work ako. Actually nakapag paaalam na ako sa superior ko last year pa na mag reresign ako. So pag balik ko sa work sabi ko hanggang end lng ako ng March then resign na ako para makapag pahinga naman ako kasi nga buntis ako. Plano ko talaga na sa province na for good dahil nandoon din naman family ko at Fam ng husband ko. Di ko inexpect na magkaka lock-down. Bdw, OFW husban ko, di rin sya agad naka balik abroad dahil nga sa pandemic. Nahirapan ako magpa check up kasi nga puro lockdown din mga OPD at yung mga OB once a week lng ang Clinic tapos kailangan pa magpa appoinment. Ang hirap. Pero okey naman kasi bandang May nakapag pa check up na uli ako sa isang private na lying in. Okey naman c baby. Normal ang heartbeat. Lahat okey. Nalaman na din namin yung gender. Ang saya kasi dream ko talaga baby girl. Ang saya din ng hubby ko. So ako naman nag start mamili sa shopee ng mga gamit. Lahat color pink. Halos nakumpleto ko lahat ng gamit. 1st baby kaya excited talaga ako. Umabot ng 3 months ang lockdown. June na at almost 6 months na ako nasa Manila pa din ako. Na stress na ako kasi need ko talaga maka uwi kasi paalis na husband ko, ayaw namin maiwan ako mag isa sa manila. Answered prayer, naka uwi nga ako. Nag quarantine pa ako ng 2 weeks. The nag swab din, salamat at negative. Ang nakakalungkot lng di natuloy alis ni hubby, so naiwan nga sya sa manila. After ng quarantine ko nagpa check up ako at nagpa ultrasound. Nagtataka ako bakit sa manila high lying placenta ako, pagdating dito low lying sya as in mababa dw at saka total placenta previa. Iyak ako ng iyak kasi sinabi sa akin ng doctor na CS talaga ako. Ang stressful is yung preapration, yung pera na para sa panganganak ko sana nagastos nung lockdown dahil nga wala kaming work ng husband ko. Sabi ni Doc anytime pwede mag bleed. So my tendency na maging premature talaga pag maaga ako nag bleed. Pinagbawalan ako na maglakad lakad or magbuhat ng mabibigat. Sinunod ko lahat ng advise. August 5, pag gising ko my blood sa underwear ko, 31 weeks palang ako. So tinawagan ko OB ko, pinapunta na agad ako sa hospital. Naka sched ako for emergency CS. And yun na nga, lumabas na si baby, di ko pa sya nakikita kasi nga nahihilo talaga ako dahil katatapos lang ng operation. Nung gabi, tumawag sakin yung pedia sa NICU, sinabi sa akin na critical si baby, my narinig daw na murmur sa heart nya. So lahat ng test ginawa, to find out kulang ang valve ng heart nya. Iyak ako nga iyak. Di ko alam gagawin, wala pa husband ko. Then the next day, sinabi sa akin na malala na talaga kondisyon ni baby at anytime pwede mawala. Meron syang Tricuspid Atresia at premature sya. Hindi ako nag undergo ng Congenital Anomaly Scan, yung normal na ultrasound lang. Pag sakit sa heart kasi hindi nakikita sa pelvic ultrasound yan. Di ko na maramdaman sakit ng tahi ko kasi mas masakit yung pain emotionally. Di ako makatulog. Binigyan ako ng chance na makita si baby sa NICU, naka intubate sya kasi hirap talaga sya huminga gawa ng condition nya. Makikita mong hirap na hirap sya. So i conditioned myself, tanggap ko na kung ano magiging kapalaran ni baby. Kung hindi talaga sya para sa akin, okey lang. I offer ko sya kay God. Pero si baby lumalaban pa din. So ayun, the next day sabi ng OB ko discharge na ako, maiiwan lng si baby. I talked to the neonatologist ni baby, sinabi sa akin na mahihirapan si baby mag survive. Pina pirma ako ng waiver kung willing pa ba ako ipa resuscitate pag nag stop heartbeat ni baby. Ang hirap mag decide lalo na't wala kang makapitan sa ganung sitwasyon. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa hubby ko. Inipon ko lahat ng lakas ng loob at pinag usapan namin mag asawa. So we both decided na wag na ipa resuscitate if ever na mag stop heartbeat ni baby, kasi parang pino-prolonged lng namin yung agony nya. Bago ako umuwi, nakiusap ako na baka pwede makita uli si baby, nung una ayaw ako payagan kasi nga daw naka dalaw na ako at prone mga baby dun sa NICU sa infection. Hanggang sa pinayagan ako, yung nurse ni baby nagsabi na baka pwede pabinyagan na. Sakto naman at available yung pari sa chapel. So nabinyagan na nga sya. Kinausap ko din si baby na kung nahihirapan na sya pwede na sya mag rest. Tanggap ko na hindi talaga sya para sa akin. Gustong gusto ko na sya iuwi that time. After ko sya kausapin lumalaban pa sya. So bumalik muna ako sa room para ayusin bills namin at mga gamit. After 30 mins. tumawag taga NICU, urgent daw. So pag punta ko dun wala na si baby. Kusang nag stop na lang heartbeat nya. Siguro nga ayaw nya din makitang nahihirapan ako. Inuwi namin si baby at binurol saka nilibing. ππππAng sakit. It's been 3 months now since nawala sya. Yung husband ko pinilit ko na lang na bumalik na sa work para maka move on kami. Lahat ng gastos namin sa hospital puro utang. Kailangan namin mag move on kahit sobrang sakit. Im thankful kasi i have a very strong support system. Hindi biro yung postpartum tapos nawalan ka pa ng baby. Nakakabaliw. Yung tipong gusto mo na din mag suicide. Thanks God hindi nya ako hinayaan na umabot sa ganong sitwasyon. Dumating din da point na hindi ako natutulog, takot ako sa mga tao, takot ako sa dilim, ayoko makakita ng mga baby. Ngayon naka recover na ako at unti unti ko na din natatanggap yung reality na wala ma nga sya. Im praying na sana bigyan ulit kami ng baby girl. Im sharing this para kahit papano mabawasan din yung sakit na nararamdaman ko. Im asking for your prayer na sa sana maka recover na talaga ako totally. And to the moms out there na nawalan din ng baby, kapit lang. May plano si God para sa atin. π