HEARTBREAKING STORY..

End of January nung malaman kong buntis ako. 1 st baby namin. Pinag bed rest ako ng 2 weeks dahil medyo maselan pagbubuntis ko. Umuwi ako sa province at nag leave sa work para nga makapag bedrest. Then after 2 weeks medyo okey na kapit ni baby, i went back to manila dahil my work ako. Actually nakapag paaalam na ako sa superior ko last year pa na mag reresign ako. So pag balik ko sa work sabi ko hanggang end lng ako ng March then resign na ako para makapag pahinga naman ako kasi nga buntis ako. Plano ko talaga na sa province na for good dahil nandoon din naman family ko at Fam ng husband ko. Di ko inexpect na magkaka lock-down. Bdw, OFW husban ko, di rin sya agad naka balik abroad dahil nga sa pandemic. Nahirapan ako magpa check up kasi nga puro lockdown din mga OPD at yung mga OB once a week lng ang Clinic tapos kailangan pa magpa appoinment. Ang hirap. Pero okey naman kasi bandang May nakapag pa check up na uli ako sa isang private na lying in. Okey naman c baby. Normal ang heartbeat. Lahat okey. Nalaman na din namin yung gender. Ang saya kasi dream ko talaga baby girl. Ang saya din ng hubby ko. So ako naman nag start mamili sa shopee ng mga gamit. Lahat color pink. Halos nakumpleto ko lahat ng gamit. 1st baby kaya excited talaga ako. Umabot ng 3 months ang lockdown. June na at almost 6 months na ako nasa Manila pa din ako. Na stress na ako kasi need ko talaga maka uwi kasi paalis na husband ko, ayaw namin maiwan ako mag isa sa manila. Answered prayer, naka uwi nga ako. Nag quarantine pa ako ng 2 weeks. The nag swab din, salamat at negative. Ang nakakalungkot lng di natuloy alis ni hubby, so naiwan nga sya sa manila. After ng quarantine ko nagpa check up ako at nagpa ultrasound. Nagtataka ako bakit sa manila high lying placenta ako, pagdating dito low lying sya as in mababa dw at saka total placenta previa. Iyak ako ng iyak kasi sinabi sa akin ng doctor na CS talaga ako. Ang stressful is yung preapration, yung pera na para sa panganganak ko sana nagastos nung lockdown dahil nga wala kaming work ng husband ko. Sabi ni Doc anytime pwede mag bleed. So my tendency na maging premature talaga pag maaga ako nag bleed. Pinagbawalan ako na maglakad lakad or magbuhat ng mabibigat. Sinunod ko lahat ng advise. August 5, pag gising ko my blood sa underwear ko, 31 weeks palang ako. So tinawagan ko OB ko, pinapunta na agad ako sa hospital. Naka sched ako for emergency CS. And yun na nga, lumabas na si baby, di ko pa sya nakikita kasi nga nahihilo talaga ako dahil katatapos lang ng operation. Nung gabi, tumawag sakin yung pedia sa NICU, sinabi sa akin na critical si baby, my narinig daw na murmur sa heart nya. So lahat ng test ginawa, to find out kulang ang valve ng heart nya. Iyak ako nga iyak. Di ko alam gagawin, wala pa husband ko. Then the next day, sinabi sa akin na malala na talaga kondisyon ni baby at anytime pwede mawala. Meron syang Tricuspid Atresia at premature sya. Hindi ako nag undergo ng Congenital Anomaly Scan, yung normal na ultrasound lang. Pag sakit sa heart kasi hindi nakikita sa pelvic ultrasound yan. Di ko na maramdaman sakit ng tahi ko kasi mas masakit yung pain emotionally. Di ako makatulog. Binigyan ako ng chance na makita si baby sa NICU, naka intubate sya kasi hirap talaga sya huminga gawa ng condition nya. Makikita mong hirap na hirap sya. So i conditioned myself, tanggap ko na kung ano magiging kapalaran ni baby. Kung hindi talaga sya para sa akin, okey lang. I offer ko sya kay God. Pero si baby lumalaban pa din. So ayun, the next day sabi ng OB ko discharge na ako, maiiwan lng si baby. I talked to the neonatologist ni baby, sinabi sa akin na mahihirapan si baby mag survive. Pina pirma ako ng waiver kung willing pa ba ako ipa resuscitate pag nag stop heartbeat ni baby. Ang hirap mag decide lalo na't wala kang makapitan sa ganung sitwasyon. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa hubby ko. Inipon ko lahat ng lakas ng loob at pinag usapan namin mag asawa. So we both decided na wag na ipa resuscitate if ever na mag stop heartbeat ni baby, kasi parang pino-prolonged lng namin yung agony nya. Bago ako umuwi, nakiusap ako na baka pwede makita uli si baby, nung una ayaw ako payagan kasi nga daw naka dalaw na ako at prone mga baby dun sa NICU sa infection. Hanggang sa pinayagan ako, yung nurse ni baby nagsabi na baka pwede pabinyagan na. Sakto naman at available yung pari sa chapel. So nabinyagan na nga sya. Kinausap ko din si baby na kung nahihirapan na sya pwede na sya mag rest. Tanggap ko na hindi talaga sya para sa akin. Gustong gusto ko na sya iuwi that time. After ko sya kausapin lumalaban pa sya. So bumalik muna ako sa room para ayusin bills namin at mga gamit. After 30 mins. tumawag taga NICU, urgent daw. So pag punta ko dun wala na si baby. Kusang nag stop na lang heartbeat nya. Siguro nga ayaw nya din makitang nahihirapan ako. Inuwi namin si baby at binurol saka nilibing. 😭😭😭😭Ang sakit. It's been 3 months now since nawala sya. Yung husband ko pinilit ko na lang na bumalik na sa work para maka move on kami. Lahat ng gastos namin sa hospital puro utang. Kailangan namin mag move on kahit sobrang sakit. Im thankful kasi i have a very strong support system. Hindi biro yung postpartum tapos nawalan ka pa ng baby. Nakakabaliw. Yung tipong gusto mo na din mag suicide. Thanks God hindi nya ako hinayaan na umabot sa ganong sitwasyon. Dumating din da point na hindi ako natutulog, takot ako sa mga tao, takot ako sa dilim, ayoko makakita ng mga baby. Ngayon naka recover na ako at unti unti ko na din natatanggap yung reality na wala ma nga sya. Im praying na sana bigyan ulit kami ng baby girl. Im sharing this para kahit papano mabawasan din yung sakit na nararamdaman ko. Im asking for your prayer na sa sana maka recover na talaga ako totally. And to the moms out there na nawalan din ng baby, kapit lang. May plano si God para sa atin. 😊

71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you mommy.. We both lost our babies.. I gave birth to my 1st child for 35weeks ilan weeks nalng pwd na sya. And througout my pregancy sobra easy lang walang paghihirap or selan lahat ng results nya is ok and akala ko non time na yun safe ko mailalabas ang anak ko dahil sabi ni ob pwd ko na ilabas kht 35weeks nainormal ko sya. Pero paglabas nya sobra severe ng situation nya no cry pale,no breathing need intubate. My child was diagnosed of hypoxic ischemic encepahlopathy namaga brain nya kaya pag labas nya para sya comatose. Every 30mins na seizure sya. Sobra hirap makita ang baby mo nghihirap.. Sobra nakakabaliw.. Pero ngayon medyo umok na din at unti unti na natatanggap ang mga ngyari... Tama everything happens for a reason.. Siguro happy na babies ntin ksama si god.. Stay storng mommy.. Keep faith pa rin ky god nothing is impossibleπŸ™

Magbasa pa
VIP Member

naiyak ako sis! naalala ko baby k total previa dn ako.. ecs dn ako @33weeks.. ang daming komplikasyon sa dugo, murmur sa heart, pulmon, infection.. madai din cya tubo nkakabit sa ktawan and i cant imagine how it hurts.. sobrang iyak ng iyak ako everytime na ddalawin k cya, ppunta ako s chapel ng hospital at magdsdasal na ibigay na cya sa amin.. 2weeks kami nsa NICU til unti unti tinanggal ung mga nkakabit skanya pati oxygen, and thanks God nnkalabas din kami at maayos n si baby.. prayers for you sis! i know npakahirap ng dinaranas mu, but let God enter your life, wag mu Cya ttanggalin sa puso mu, ibabalik Nya din sayo si baby ng higit p.. hugs sis! πŸ˜ŠπŸ™πŸ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Condolence Mummy πŸ˜” Naiyak Ako habang nagbabasa . Sobrang Nakakalungkot Pero Kapit lang Mummy , Tiwala ka parin sana kay God .. Kung hanggang ngayon Sobrang Sakit , Ikwento mo Lang Kay Papa God Kung ano Mga nararamdaman Mo, idilig mo sa kanya lahat.. Sure akong Gagaan Ang Pakiramdam Mo , alam mo? MATATAG KA eh , Mabigat mawalan ng Anak Lalo na't First baby.. Hinahangaan ko Katatagan mo mummy . Pagpatuloy mo lang Yan , Alam kong May Magandang Rason Ang Diyos , kaya nangyare yan .. Kapit lang πŸ˜‡ Alam mo , Nakangiti si Baby girl mo sa Heaven dahil Nakikita niyang Strong Ang Mummy Niya. Biyayaan kana Sana Ulit . In Jesus Name. Amen πŸ˜‡πŸ™

Magbasa pa

this story made me cry a lot 😭 hindi ko alam kung baket, dahil cguro na fefeel ko yung pain na nararamdaman mo mamsh 😣 hindi ko naman na experience na mawalan ng baby or what. pero sa nabasa ko natatakot ako para sa baby ko 😭 im 9months pregnant and schedule cs sa 24. kung sana lang wala ng baby na nawawala 😭 sobrang sakit makabasa ng ganon 😣 sening hugs and prayer para sayo mamshπŸ’•πŸ€— maging strong pa din sana kayong mg asawa kahit anong struggles dumating sa life nyo. everything has a reason. my plano ang dyos para sa inyo πŸ’•

Magbasa pa

stay strong mommy! Same case placenta previa totalis ako. But unlike you, di ko alam na may previa ako. Last UTZ ko was CAS at 22 weeks but based dun high lying placenta ako. But at 25-26weeks ata un pag-wiwi ko may dugo. Madami, ER agad at dun ko lang nlaman na previa sya at pwede maging premature si baby. Fast forward, I gave birth to a 27 weeker bb boy, nag stay kame for 52 days sa hospital. So far 2.6 years old na sya and healthy naman. Pray lang mommy.❀️

Magbasa pa
VIP Member

I feel you, you are not alone i lost my baby girl too last july 19, 2020 she is 32weeker due to preeclampsia. Im sorry for your loss😒 nobody deserves this but our angels is already happy in heaven no more pains... Here's a hug from angel mommy like youπŸ€— if you need someone to talk too just pm me😊 laban lang kaya natin to dont limit your expectations to the Lord i know one of these days we will hold and bring home our rainbowπŸŒˆπŸ™

Magbasa pa

Virtual hugs, mommy! Salamat na nga lang sa Diyos at strong ang support system nyo. Wag mo na muna isipin ang gastos, darating naman ang pera para doon. Work on yourself na muna mommy. Mentally, physically, spiritually. I’m happy you got to experience to see your child kahit saglit, pahiram lang talaga ang buhay sa Diyos. I’m sure ibibigay din ni God sa iyo ang para sa iyo, Mommy! Just keep faith lang! Kapit! πŸ€—

Magbasa pa

I feel you Po mommy keep strong Po.. nawalan din Po ako Ng baby last may 2020 she's 5 months old already...mas masakit Po Kasi nkakalaro kuna siya kala ko guguho Ang Mundo ko at mababaliw ako baby girl din Po sya.. tagal ko syang pinangarap Kaso mas love Po siya ni God.. and now Po I am 19weeks preggy.. God has a reason for everything Po Kapit lang Kay's natin yan mamsh😘

Magbasa pa

mommy, be strong po... I know sobrang sakit at hirap ng situation mo... nkakalungkot un nangyari sa baby mo, just keep on praying lang and malay mo b4 the year ends magka baby kna uli... will pray for u mommy and sa lht ng deserving mother na nawalan ng baby... pag nkkbasa aq ng ganito story sobrang nakakalungkot at ang bigat sa pakiramdam... God Bless u mommy and ur little angel..

Magbasa pa

Naiyak ako habang nagbabasa... Naalala ko ang nangyari din sa first baby namin 😭ang sakit mawalan ng anak ...ang sakit makita yung paghihirap ng iyong anak Kung pwede Lang akuin nlng Yung sakit na nararamdaman niya. Nakakabaliw na Hindi maiwasan na tanungin ang sarili ko nun ano ba ginawa ko..Hindi ko ba Siya naalagaan nung nasa sinapupunan ko pa Siya. 😭

Magbasa pa