40 weeks and 2 days Baby Boy 💙
Name: REAZ ARSHAN ❤ EDD via Utz: Aug.28,2020 EDD via LMP: Sep.01, 2020 DOB: Sept.03,2020 (9:26PM) Weight: 3kg 👶 Hi mga momsh! FTM here! 🥰 Sept.1 due date. No sign of labor kundi paninigas lang ng chan. Walking and squat lang ako. Sept.3 ng madaling araw (3am) habang tulog ako naramdaman kong pumutok na panubugin ko. Pero wala manlang sumasakit sakin chill'n lang ganern. Dali dali kaming pumuntang Hospital. Na admit agad ako ng 6am. May tinurok silang pang pahilab at don lang nag start yung feeling ng pag le labor. As a First time mom Sobrang hirap pala maglabor. Yung bawat moment ng pag hilab nya sobrang sakit. Sa sobrang sakit pinatakbo kona asawa ko sa nurse station para mag request for CS. Dahil hindi ko talaga kaya yung sakit ng pag lelabor namimilipit ako. Ang sabi, Doctor daw mag dedecide atsaka andaming naka sched for CS. Tiniis kopadin yung sakit, Naiiyak nako at worried kase malapit na mag gabi baka maubos na panubigan ko at makatae si baby sa loob. Kung ano ano na naiisip konon. May nilagay sila sa pempem ko, Tinuruan nila ako kung paano umire, continue padin ako sa karumaldumal na karanasan ng pag lelabor Hahaha! Minomonitor ako ng nurse at midwife. Ginawa ko lahat ng best ko pero hindi ko tlga kaya i Normal delivery si Baby. 7PM, Dumating si Doc. Pagka I.E He decided na i-CS na. Stuck sa 4cm at maliit talaga sipit sipitan. May ininject sa dextrose ko. Mejo nawala yung paghilab at pananakit habang naghihintay ako. Relax lang ako inhale exhale. Naka line up nako for CS. Mga 8:40PM yun pinasok nako sa operating room. Kumalma na ang isip at puso ko. Knowing na, finally mailalabas na at makikita kona si Baby. Sa pagod ko don sa pag lelabor, nung sinabi ni Doc na matulog ako, nakatulog nga ako habang binibiyak Hahaha. Nagising lang ako nung narinig ko ng umiiyak ang baby ko. Sobrang saya ko!!! priceless and worth it ☝️💜 Sa experience ko, ayoko na talagang maranasan mag labor. Ewan koba hindi ko talaga kaya. Mas pipiliin kopang indain yung hirap ng pag papagaling ko ngayon dahil na CS ako kaysa mag Normal Delivery hehe. Pag naiimagine ko talaga yung I.E tas yung sakit ng pag lelabor nakopo bangungot saakin Haha. Mahalaga ngayon, Healthy si Baby boy ko. 🥰 Salamat sa App nato, sa inyo mga mommies dami kong natutunan sa journey nato 💜
Mom of Baby boy and girl ♥️