My Labor Journey

Edd: Oct 6,2020 DOB: Sept 30, 2020 Via Normal delivery Week 38 first IE ko kay ob and 1cm na ako by this week so akala ko by 38week of pregnancy manganganak na ako excited as FTM every day umiinom ako ng chuckie and eveprim rose day and night but mali ako dumating ang 39 week of pregnancy ko IE ulit ako 2cm palang ang buka ng cervix ko sabi ni ob makapal daw ang cervix ko kaya inom nanaman ako within a week ng primrose sabi ko "ok po doc" ang di alam ni doc pinagsabay sabay ko inomin at iinsert sa pwerta ko ung primrose as in 2caps iinomin ko tapos 2caps lagay ko sa pwerta ko nagduty pa ako nun pag ka monday, sumasayaw pa ako pagkatapos ng flag ceremony namin, yung mga kasama ko sa trabaho ang natatakot sa akin pero ako keribels lang at energetic pa ako nyan kasi wala pa naman akong nararamdaman na masakit so ayun pagkahapon sabi ko maglalakad ako galing sa work place ko until sa bahay namin and take note yung bag ko parang may malaking bato kasi ang bigat but naglakad pa rin ako. nangyari po eto monday pagka tuesday dahil nga skeletal na ang work so nasa bahay lang ako ginawa ko lang is naglaga ako ng luya na may kasamang paminta tapos squat ako ng squat hanggang sa mapagod ako until afternoon na kumain pa ako ng marami tapos punta na ako ng cr para mag poop 3 times ako nag poop tapos nahiga na ako by 8pm sumasakit na yung tyan ko in which binibilangan ko na nung nag 5min interval na sabi ko sa kapatid ko punta na kmi hospital pagdating namin dun ie ako ng midwife 2cm pa daw at malayo pa so advice niya uwi muna kami so umuwi muna kami ng kapatid ko. ung mama ko sa pangasinan natataranta nah so tinawagan yung asawa ko at pinapauwi sya ora mismo. at yun nga umuwi sya pagdating nya sa amin parang lalong sumakit yung tyan ko na diko maexplain everytime sasakit napapaungol nalang ako sa sakit. so ang ginawa ko everytime sasakit sinasabayan ko ng squat nung ika 8 squat ko na pumotok na panubigan ko at nagpadala na ako kay hubby sa hospital pagdating namin sa hospital mga midwives lang ang andun at walang ob na naka duty ang tataray ng mga midwive sa public hospital po eto. ie ulit nila ako 6cm na ako by this time pinahiga nila ako tapos sabi ng midwive higa patakilid sa may left side ko so ako sumunod nalang ako habang ginagawa ko yun umiiyak ako sa sakit umungol ako sa sakit at di nila ako pinapansin wag daw ako eeri kasi mamaga daw yung pwerta ko at baka daw ipasa nila ako sa ibang hospital kaya sumunod ako hanggang sa si baby na talaga ang gusto lumabas tinatawag ko sila sinasabi ko na lalabas na si baby di nila ako pinapansin pinapagalitan pa ako kasi ang ingay ko daw yung mag sasalita sila pabalang sayo para matakot ka sa kanila hanggang sinabi ng isa tayo daw ako punta na kami sa delivery room pinaglakd talaga ako kahit sinasabi kong di ko na kaya at yung pagkahiga sabi ulit nila wag muna daw akong eeri ang dami pa nilang sinasabi nag uusap pa sila. bigla akong sumigaw "lalabas na pagtingin ulit nila sa akin lumabas na ulo ni baby buti may midwive na malapit sa akin at nahawakan ang ulo ni baby. everytime naaalala ko yung nangyari hindi ko maiwasan mapa what if. what if walang midwive malapit sa akin buhay kaya si baby ngayun? what if pinigilan kung umire buhay kaya si baby ngayun? mga what if na labis kung ipinagpapasalamat na hindi nangyari sa akin ngunit naninindig ang balahibo ko everytime maalala ko. kaya sa mga manganganak palang kung kaya nyo rin lang mag private dun nalang kayu manganak yung maasikaso kayu at hindi binabasta basta tayung mga buntis kasi buhay ang dinadala natin. ##1stimemom #firstbaby

My Labor Journey
59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Karamihan talaga ng mga nagtatrabaho sa public dito sa pinas mapahosp man o ahensya ng gobyerno walang compassion sa kapwa. Mga akala mo hindi pina pasweldo ng tax mo na kinakaltas sayo kada sahod. Ang sarap sampalin ng payslip. Kung hindi lang sobrang mahal sa private lahat ng pinoy nag private na makaranas lang ng maayos na treatment. Sabi nga sa kanta ni bamboo ang hustisya ay para lang sa mayaman. Kung wala kang pera mag tyaga ka sa tratong basura sa yo ng mga nagtatrabaho sa public hosp or even sa center. Sobrang liit ng tingin sayo pag lumapit ka sa public para kang nanlilimos sobrang sakit pero kailangan mong lunukin kase wala kang choice. Mahirap maging mahirap sa pilipinas. Good to hear that you and your baby are okay. Makikibaka ka na naman momsh sa pagpapa vaccine sa center kung saan libre ang vaccine pero libre din ang virus dahil walang social distancing, masakit pa pumila ka ng mahaba nakabusangot pa yung dadatnan mo na parang naka istorbo ka pa sa kanila at utang na loob mo sa kanila na gagawin nila ung mgatrabaho nila. May mga comment pa yang mga asal basura na yan pag nagtanong ka sa knila mga walang hiya. Gigil talaga nila ko momsh eh.

Magbasa pa
5y ago

manggigil ka talaga momsh kung andun ka ang mga buntis dito sa min panay na hanap ng lying in na mura dahil narinig nila ung nangyari sa akin