Our new source of bundle of joy ❤️💛

EDD: November 13, 2020 DOB: November 12, 2020 Via NSD 3.1 kls. 50 cm Wanna share my Birth story 😊 November 10 7pm ng mejo humihilab na ang tyan ko pero tolerable naman kaya okay pako nakakapag linis pako ng kwarto bago matulog, November 11 simula umaga mejo mahilab na talaga and since me schedule ako sa OB ko chineck nadin 2cm palang, kinagabihan kasagsagan ng bagyo yun din ang hilab ng tyan ko parang natatae na hindi ko na maintindihan yung pakiramdam ko every 5-7mins. Interval nya, ang kasama ko sa kwarto is my younger sister since si Hubby e nasa Manila pa and bago palang uuwi, todo squat ako kada hihilab halos hindi na ako nakatulog magdamag kasi gusto ko ng umire wala padin naman akong discharge kaya hindi pako nagpapadala sa hospital, 5am nagdecide yung sister ko na tawagan si Dra. 6:45 nasa clinic na nya kami ang pag ka IE sakin 8cm na dumerecho na kami sa hospital, 7:30 nasa delivery room nako and umiere lahat sila tinuturuan akong umire pero since wala akong masyadong tulog nabibitin ang ire ko. 5 mins before 9 sabi ng OB ko pag 9am na i CCS na kita ha kasi nahihirapan na si Baby e baka makakain sya ng poop. At 8:58am One long push Baby is out 😂 Napa Thank you Lord nalang talaga ako, bago ako makatulog nakita ko pa si Baby na ipinatong sakin at pa ingit ingit lang hindi sya kagad umiyak mga 5 mins. Pa daw sabi ng Nurse, kaya kinailangan syang i NICU nag oxygen at dextrose and mga laboratory pa sya buti nalang kinagabihan omokay na sya kaya tinanggal na ang oxygen niya. Diagnosed sya na me neonatal pneumonia kaya naka heplock and need nya mag antibiotic for 7 days, pero tapos na okay na sya 😊 November 13 pala nadischarge nadin kami nabalik nalang kami for schedule ni Baby sa hospital sa antibiotics nya, Prayers are powerful more than anything. Kapit lang talaga ke God. Sa lahat ng mga soon to be Momshies keep safe, pray and goodluck 😊 Meet our Hvitzerk Theo 👶🏻💛❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles