My Baby Boy and My Hubby

EDD: Nov. 9, 2019 Delivered: Nov. 9, 2019 (10:27pm) My Experience: Hi momshies ,, just sharing my experience☺☺ Nov. 9, 2019 (7:00am) umattend pa ko ng graduation pictorial sa school since that time wala parin akong signs of labor at stock parin sa 2cm. Umuwi kami ng 9:00am tsaka kumain pa kami ni hubby sa McDo before dumeretso ng bahay. At 10:40 nag-cr ako ng mapansin ko yung spotting sa ihi ko. kinabahan ako bigla since stock parin ako sa 2cm mula nung Nov. 4 at d pa pumuputok panubigan ko. (Nagpa-ultrasound ako ng Nov. 5 as per request ng OB ko at nakita na may cord coil sa daanan ng cervix ko at 3.8kg daw si LO based sa ultrasound) dumeretso kami ng asawa ng kapatid ni hubby sa lying in na pinagchi-check upan ko. Wala si OB ko nung pagpunta namin kasi may pinapaanak pa daw sya that time kaya naghintay kami hanggang 12:30. Pagdating nya sinuri nya ung ultrasound result ko at nag desisyon na ma-cs ako. tinanong namin sya kung san may mas murang paanakan around here sa place namin pero lahat ng sina-suggest nya ay sobrang mahal. Pag sinasabi namin na sa public na lng kami tinatakot nya kami na d kami tatanggapin dun since kelangan daw may record dun. Sabi ko naman tatanggap naman ata sila kung may papel kami na ibibigay mula sayo (referal letter kumbaga) but ayaw nya parin pumayag kaya no choice kami kundi sa sinasabi nya na hospital. 3:00pm ang operayon ko at 45,000 daw ang bayad dun. Paguwi namin nagkagulo sa bahay kasi sobrang mahal. Yung 45,000 doctor's fee lng pala yun at hindi kasama ung ibang fee sa hospital. Binasa din namin yung referal notice nya at nag request pa sya ng 3 pang doctors para mag assist sa kanya para sa operasyon ko. Kaya nagdecide kami na pilitin sa public hospital since may isang hopsital akong napag-check upan ng isang beses. 3:00pm nang pagdating dun sa public hospital sa Q.C. (from Antipolo ako) inasikaso nila ako agad since sabi nga sa ultrasound ko may cord coil at baka pag tumagal pumulupot sa leeg ni baby. in-IE nila ako at in-ultrasound ulit at sa d ko mapigilang uminit ang ulo ko. Kasi 5-6cm na pala ako at 3.1kg lng daw si baby though totoong may cord coil pero kaya naman daw inormal. 5:00pm tinurukan nila ako ng pampahilab at agad2 na tumalab sakin. Naglabor ako at nanganak ng normal. Thank God healthy si baby at walang cord na nakaharang.

My Baby Boy and My Hubby
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mommy! 😍 Buti nalang ang matapang ka gumawa ng desisyon mommy para sa mas ikakabuti ni baby yung naging desisyon mo 😊

5y ago

salamat sis .. sobrang hirap gumawa ng desisyon kung alam mong pareho kayo ni baby malalagay sa alanganin