Birth Story

Edd: Nov. 15, 202 Dob: Oct. 27, 2020 Normal Delivery with Tubal Ligation 3rd baby Baby Girl Hi mga mommies, share ko lang birth story ko. This is my last pregnancy since i decided to get ligation. I'm working at home at talagang napaka swerte ko dahil may work ako while staying sa bahay at safe ang pagbubuntis ko. Simula ng tumuntong ako ng 3rd trimester, alam kong by 37-38wks aog niya ay lalabas na siya. Kaya nung tumuntong na ako ng 37wks exactly, nagpa swab test na ako para wala maging prob kapag lalabas na si baby dahil feel na feel ko na tlgang lalabas na siya anytime soon. Oct. 24,na swab ako then the result lumabas naman agad agad ng oct. 25. Oct 27 morning, nakakaramdam na ako ng mild contractions pero tolerable lang naman but i know na manganaganak na ako. Nag pachekup ako sa OB ko and she told me na 2cm na at baka magtuloy tuloy na. Wala akong ginawa kundi maglakad at magzumba pagkauwi ko. Wala akong ininom nq kahit ano like pineapple juice at chuckie na sinasabi ng ibang mommies na effective daw para mapabilis ang panganganak. Sa tatlo ko kasing pregnancy, never kong ginawa yun dahil alam kong kusa naman lalabas ang baby sa atin pag ready na sila and atleast di na ako gumastos para lang dun. Then 5pm i had active labor, 830pm we decided to go to the hospital na 3cm na. 8pm 5-6cm 10pm 8cm then 11pm fully dilated na siya, at 11:17pm my baby is out na. Good luck sa mga Team Nov mommies, kaya niyo yan at congrats in advance.

Birth Story
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

congrats po,magtanong po sana ako ilang days bago ka po niligate after mo po manganak Ng normal?balak ko na din po kasi magpaligate after manganak 3rd baby na din po,prang sa CS din po ba yung hihiwain po sa tyan?salamat po.

5y ago

right after kong manganak normal delivery, general anesthesia kaya tulog ako after ko manganak at habang nilaligate ako