EDD: March 17, 2020
DOB: March 05, 2020
NSD
Gusto ko lang po i-share na sobrang worthy ng 5 hours na labor, at 5 beses na ire, then finally, nakita na namin ang aming Ria na ilang beses namin in-attemp na ipa-3D ultrasound pero nagtatago.
Sobrang thankful po ako sa community na ito sa pregnancy journey ko, sa mga Mommies na nagpopost ng questions and Mommies na nagbibigay ng own opinions and experiences nila, malaking tulong po kayo lalo na sa mga FTM. Hindi po ganon kadali na wala kang nanay sa tabi mo habang buntis ka, habang nagle-labor ka at after mo manganak, pero I know pinababa ni God ang Mama ko to be our gurdian angel during the labor, i was about to give up sa sakit, pero hindi, kinaya.
Mga Mommies waiting to deliver, lakasan po natin ang loob natin. Maraming dasal po.
Mga Mommies already, saludo po ako sa inyo. Tunay na nakakaproud maging nanay. ♥️