EDD: June 15,2020
DOB June 15, 2020
via CS
hays labor starting 11pm ng june 14. 12am may lumabas na na mucus plug. every 5mins na interval ng contractions ko pero lasting 30 secs lang. 2am nagmsg na kami kay doc if need ko na pumuntang clinic. oo daw kaya by 3am nasa clinic na kami. first IE sakin 1cm kaya akala ko mapapauwi ako. pero chineck nung isang nurse 3cm na daw ako. tinawagan nila si doc para itanong anong gagawin sakin. iadmit na daw ako since schedule nadin talaga ng induce ko. tinurukan na ko ng pampahilab pagkaadmit sakin. by 8am 8cm na ako pero hindi parin pumuputok panubigan ko. pero ereng ere na ako.
pagdating ni doc dinala na ko sa Delivery room. si doc na ang pumutok ng panubigan ko at pinag umpisa na ko umire. pero sobrang taas daw ni baby na kahit anong ere ko imbes na lumabas eh bumabalik sya sa loob. kaya by 9am after 1hour na pag ere at walang katapusang sakit. nagpasya si doc na i CS na ako. kaya sinugod nya na ko sa hospital na pinagdudutyhan nya din. after 1hour na pag iyak at pagwawala sa backseat ni doctora nakarating din ng hΓ²spital. sinalang agad ako sa OR. 10:18 baby's out. sobrang hirap at sakit pero worth it na healthy si baby.
Edit: double cord coil si baby kaya pala hindi sya mailabas kahit anong ere ko. At buti nalang hindi sya nailabas ng ganong sitwasyon. Thank God padin talaga.
Lhiza Marzan