Edd : February 27,2020
DOB: February 10,2020
Sa wakas nakaraos na din worth it 30 mins active labor full cm agad at isang push lang lumabas na si baby. Goodluck mga February Mommys.
Sa mga nagtatanong po ng tips usually lgi lang ako naka indian seat while plying with my first born di rin ako masyado naglalakad nun every after noon pa ako tulog from 3-5:30 pm ? di naman lumaki baby ko 2.98kgs lang siya start ako inum pineapple juice. Nakatulong din panonood ko sa youtube ng mga labor and birth vlogs dun ko nakuha tips ng tamang pag ire.
Saturday uminum ako pinakuluang luya Sunday morning namalengke pa kami kasama ko first ko den pg uwi my brown discharge na pero wala pain pagpunta ng ospital 4-5cm na akala ko manganganak na ako pero inabot pa ako monday 5-6cm palang matagal progress kase di ako naglalabor walang as in kahit anong pain naninigas lang . 3pm nilagyan na pampahilab para daw mapabilis pero di parin masakit heheh malakas kase pain tolerance ko 6 30pm decide na si OB putukin water bag ko at dinagdagan n din dosege ng pampahilab para daw manganak na ako , monitor contraction at heartbeat tanung pa ng nurse kung dipa masakit sabi ko dipo naninigas lang sabi nya manganganak kana ata eh every 1 minute na pala interval tapos IE nya ako around 7 30 7cm nadaw malapit na then sumakit na sya na parang diarrhea lang parang seconds nalang interval then check nya ako after 30 mins full nadaw sabi ko nurse lalabas na hinawakan ko pa pwerta ko para pigilan kase wala pa si OB 8pm nasa DR na ako pero bawal pa umire kada contract sabi ko nurse mas mahirap pa magpigil kaysa sa labor lalabas na to sabay tawa pa halos 10 mins na nagpigil ako pero yung pakiramdam parang ilang oras , pagkadating ng OB ko dipa sya nakakaupo nung sinabi nyang pwede na umire inire ko lang na parang tatae hugot malalim na hininga sabay push sa pwet derederetso talaga nung sinbing andyan na 8:13 pm baby’s out.
Sheila Mae Labordo Baydal