Meet my Sonshine Rysse Yavin D. Lacar
EDD February 05, 2020 DOB February 04, 2020 3.5 kg via NSD No labor sign at all. Feb 03, 2020 check up ko then my OB adviced us to have induce labor or outright CS. Pag induce labor daw wala pang assurance na ma normal may possibility parin na ma CS ako. So my husband decided na induce muna ako. So, at 3:30 PM bumalik kami para magpa.admit. May eninsert ang OB ko din after ng 6 hours start na akong e.induce. But at 9:00 PM nag 3 cm na ako at sabi nag OB ko nag start na akong mag labor (own Labor ko na) at tuloy tuloy na ang labor ko. (Thank God hindi na kailangan e.induce). At 2AM feb 04, 2020 grabe na ang sakit na nararamdaman ko. As in ang sakit sakit, umiyak na ako ng umiyak halos magwala na ako sa sobrang sakit at gusto ko ng magpa CS sa sobrang sakit di ko talaga kaya yung sakit ng labor grabe.. tinawag na ng husband ko yung OB kasi gusto ko ng pagpaCS. Pinuntahan din ako ng OB ko sa room pag check niya fully dilated na ako at pag push ko na lang ang kulang at sabi niya na e.normal ko nlng daw kasi sayang yung labor na pinagdaanan ko kung magpaCS ako.. Kaya at 4:15AM 02.04.2020 nailabas ko ang baby ko via normal delivery. At grabe yung pinagdaanan ko nung nasa delivery room na ako halos mawalan na ako nag hinanga iyak ako ng iyak. Pinapagalitan na nga ako dun sa delivery room. Heheh thanks to my OB for being so patient sa whole pregnancy journey ko lalo na nung nag lalabor na ako and to my husband for pushing me na kaya kung e.normal... at kay Papa GOD sa lahat lahat at sa healthy baby boy ko.