Share ko lang.
EDD feb 18,2020 39 weeks ng umaga nun, nag spotting na ako ng small red spot, sakto follow check up ko din nun ako sa OB ko, so ayun na nga 3cm na, edi uwi muna kami at balik na lang daw kami ng 3pm. taranta na biyanan ko at 3cm na. nagkabili bili na din ng diaper ni baby, ska adult diaper ko. mga hapon 3pm. punta kami sa lying in, dahil wala naman kami gaano budget, pero di kami tinanggap kase bukod sa nataas ang BP ko, manas din daw ako. kaya binigyan kami refferal para sa ospital na lang daw ako manganak. dinala na ako, nag IE ulit 4cm na ako. wala pa naman sign of labor. nkakalakad pa ako, nakakatayo. pero inadmit na ako. dinala na ako sa labor room. LABOR ROOM. 4PM Feb 10, 2020. tamang chika chika pa sa katabi, nakapag dinner pa ako.,around 1Opm sumasakit na puson ko, nag hihilab na mawawala., tinext ko asawa ko kase di ko na kaya, tinawag na nya ung nurse.IE ulit ayun 10cm na. nilipat na ako. DELIVERY ROOM. 4AM FEB 11, 2020. ayun nakahilata na ako sa sakit, kahit sobra dami nadaan wala na ako pakialam.ire na ako ng ire pero wala tlaga, ang dami na lumalabas pasok sa delivery room, nauunahan na ako ng 8cm pero sige lang ire lang. sinasabi na ng nurse nakikita na daw nya yung buhok, edi sige ire pa din ako..hanggang nag umaga na, tanghali na, na sobrang sakit na talaga.. nag decide na sila na CS ako. nag ahit na buhok sa baba, sa tyan., OPERATING ROOM.1PM FEB 11,2020 naglagay na anesthesia, at kung anu anong abubot sa pag opera. pinapikit ako, hanggang sa narinig ko na iyak ni baby, di ko na alam kun saan dinala, buti naka abang asawa ko.. THANKS GOD,. pwede naman pala maalis agad ang sakit pina labor pa ako ng bongga! hehe..share ko lang.
Jheyan's momma♥️♥️