NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!

EDD: December 11-21 DOB: November 18 Gender: Baby Boy ( Jacob Conner C. Mendoza ) 35weeks Makakapagshare narin ng experience. November 17 pass 6pm kumakain kami nakakaramdam nako ng pain ung feeling na para kang matatae na rereglahin,masakit pati balakang,pero nakakaya ko pa. Di ko alam na naglelabor na pala ako nun? hanggang lumipas ilang oras,ganun parin ang pain wala ng 10mins ang interval ng hilab grabe. Iniinda ko na talaga siya napapaupo nalang ako pag hihilab siya. Around 9pm nagpasya kami na magpunta na ng hospital,hinanda na namin mga gamit just incase. Di ko pa kabwanan kaya nagtataka ko bakit ganun na sakit. Pagpunta namin sa hospital sa ER diniretso ako sa examination room pagkaIE saken 4cm na pala ako. Edi kinabahan nako kasi masyado pa maaga para manganak ako kasi 35weeks pa lang si baby. Wala na magagawa kasi talagang dirediretso na di na kayang pigilan dahil nga 4cm na,inadmit nako. Dinala nako sa labor room. Alam mo yung feeling na hindi mo kasama mga mahal mo sa buhay,mag isa ka lang sa labor room gaano kasakit un di ba? Wala ka matawag. Hanggang sa 5-6cm na,lalo na tumindi ang pain nawawala wala naman pero sandali lang at hihilab na agad siya. Iyak nako ng iyak,panay tingin nalang ako sa orasan kahit na sinaksakan ako ng pain reliever 2x di tumalab sakin kasi mas ininda ko yung sakit. Gang sa nag8cm na aroound 7:20am na,dumating na ob ko,nakikita niya gaano nako nahihirapan sa sobrang sakit paga na mata ko kakaiyak. PagkaIE niya saken mag9cm na,nagdecide na siya putukin panubigan ko,edi lalo na sumakit kasi naiire ko na talaga di ko na kayang pigilan,dapat epidural gagawin,kaso sabi ni doc wag na dahil 10cm na,nandun na anesthethiologist handa nako turukan,pero di na pumayag si doc sabi niya kasi kakayanin ko naman daw. Nagtiwala ako saknya na kakayanin ko,kahit yung ibang doctor at nurse pinapalakas loob ko. Hanggang dinala nako operating room. Nawawalan nako ng lakas kakaire. Tinulungan nako ng ibang doctor para itulak tyan ko. Sige ire lang ng ire isabay daw sa paghilab. Ganun naman ginawa ko at wag daw sisigaw. Isipin nalang parang tumatae. 9am nailabas ko si baby. Awa ng dyos,healthy siya at di na nilagay sa incubator. Wala rin complication?worth it lahat ng sakit kapag narinig mo na iyak ni baby. Maginhawa sa pakiramdam. Di talaga tayo pababayaan ni god. Kaya sa mga momshie na manganganak pa lang,lahat ng sakit talagang titiisin niyo basta para kay baby?wag kayo matakot,lagi magdasal at think positive lang na kakayanin lahat at makakaraos. Hehe. Goodluck sa mga di pa nanganganak??God is with us all the time. Meet my little Warrior?♥️ Baby Jacob Conner C. Mendoza ? Via NSD

NAKARAOS NARIN. Thankyou Lord!
370 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mamshie...same tayo 35weeks nung nanganak...hndi na nga lang humilab tyan ko...tumulo lang panubigan ko around 4:30 ng hapon...pag dating sa hospital 5pm na pag i.e sakin 6cm na pala ako nun wala talgang pain...ECS naman ako breech kase si baby...hndi ko narinig iyak nya 10mns pa daw kase bago umiyak....2nd day ko pa sya nakita nasa nicu naka drop light lang no need na daw maincubator...sobrang sarap sa pakiramdam na nakaraos ka na at malaman mo ok si baby kahit premature sila

Magbasa pa
5y ago

Yes momshie. True. God is good talaga.

Congrats sis!! Pwede ko ba matanong ang birth weight nia? Ako kasi ngaun going 35 weeks na in a few days and kahapon nag start ako magkaroon ng madalas na paghilab ng tyan. Nagbigay na ng admitting orders si OB ko in case daw mag labor na talaga. Medyo kinakabahan ako kasi hindi pa term si baby. Kaya curious ako. Buti naman at walang naging problem si baby mo. Hopefully yung sa akin din sana walang maging problema.

Magbasa pa
5y ago

Buti naman🤗tsaka magkakain ka rin ng healthy foods and take ng vitamins. Bedrest sis. Para maagapan pa. Ingat kayo ni baby🤗

Same tau nov2 ang lmp ko nanganak ako ng sept30 nasa work pa ako panay sakit ng tyan ko na parang natatae, nagpjnta na ako hospiyal na ie ako 8cm na pla pero dko pa kabuwanan aftr 1 hour nailabas ko si baby 35 weeks sya, 12days sya sa nicu kasi nahirapan huminga, awa ng Diyos ok na sya, dasal lng talaga ang makakatulong sa atin salamat sa Diyos🙏

Magbasa pa

Nagkaroon po ba kayu ng discharge nung sumasakit na yung balakang nyo? I'm 32weeks preggy same din po SumaskiT yung puson ko kagabi na parang dysmenorrhea. Tapos pag gsing ko this morning ganun pa rin tsaka sumsakit na rin balakang ko Sobrang sakit.. Wlang interval po yung skit.

5y ago

Sakin mommy hindi nag survive si baby😭40 hrs. lng cya nagsurvive ndi nya kinaya..Kasi kahit may mga resita na ora kumapit muna cya eh tlgang gustong lumbas eh..ndi pnmn nya kaya....31weeks pa lang kasi....

Almost the same situation tayo. 35weeks ako 2.7kg si baby pero naincubator siya for 3days pero ngayon 2mos na siya. Kapag nagpupunta kme sa pedia niya kapag nakikita siya parang Di daw siya Premii kase ang taba taba niya at ang healthy pa nya kaya thanks God'😇😇

Post reply image
5y ago

Nung una Pre nan siya. Tapos ngayon nan hw opti Pro na siya..

Yey! 35weeks din when I gave birth sa 1st child ko. No injection for maturity of her lungs, no incubator din. No anesthesia din during labor and nung nanganganak ako. Pinutok din ung bag of water ko at un ang pinaka masakit 🤣. But after that everything is worth it 😍

5y ago

Helo momsh. Ano birth weight ni baby mo nun? FTM po, 37 weeks nmn po ako. Maliit si baby.he is too small for his gestational age. 2.2 ang estimated fetal weight nya sa ultrasound pero nung lumabas 1980 gms lng..nagka pre-eclampsia po kasi ako. Thank God at wla nmng naging problema kay baby. Nakalabas din kami agad sa ospital. 2 months na po sya today.

Happy for you po..congrats po. Sana umabot din c baby ng 35-36 weeks bago lumabas..ngaun KC 4cm n ako.bedrest dito hospital,nkatapos n din ako ng 4 shots para s lungs ni baby.medyo worry tlaga kmi s health ni baby. Base KC lmp ko jan.18 p due ko Pero s Ultrasound 23 pa.

5y ago

Opo sis..tnk u so much

Wow I hope makaraos n din aq going 38 weeks hirap nrin mg ttyo at mg llkad kaya NG leave nrin aq s work phinga muna pra pg dumating ung right time n gus2 n baby lumabas my lakas aq😍😍😍 congrats sau momsh and ur baby is so cute..

I feel you sis ganyan ako sa 1st baby ko mg 1 lang.. Maga na mata ko kakaiyak.. Pero at least sayo nagtry n turukan ka ng para sa sakit sakin wala hinayaan lang nila ako... 36 weeks lang ako nun at naincubator baby ko nun..

Ganyan po nararamdaman ko minsan pero binabaliwala ko lang kc kaya ko pa subrang nananakit na balakang ko at puson ko na makirot na pepe ko lalo na pagnaglalakad natatakot po ako 36 weeks palang kc siya bukas

5y ago

Bukas po check up ko sa center pagkatapos sa center kaagad po ako pupunta sa hospital