muntik ng ma-CS π’
EDD- August 14, 2020 DOB- August 9, 2020 (3:57 AM) 3.4 kgs 52 cm 39 weeks & day 2 my little boy Jace Alexis Bicua Formilleza (Jhunny boy) π Share ko lang experience ko as first time mom, August 8, 2020 (5:20 PM) pumutok panubigan ko. Pumunta kaagad kami sa Lying in, and then in-IE ako tapos 3cm palang cervix ko. kailangan magprogress 'yong cervix ko, dahil hanggang 6hrs-8hrs lang, kapag hindi nag full may posibilidad na ma-CS ako π’ sinikap kong mag squat ng mag squat para bumuka na, pangalawang IE sa'kin around 8:20 PM, 3cm-4cm palang. edi nag squat ulit ako, kahit na sobrang sakit na at humihilab na π’ 10:20 PM pangatlong IE sa'kin, tapos 4cm-5cm palang π’ and then nung 12:20 MN, nag 5cm na. pag-IE sa'kin ng around 2:20 AM, 5cm pa rin. nagstock sa 5cm, pero grabe na sa sobrang sakit π tapos tinawagan si Doktora Andres to inform about it. dapat ic-CS na ako pero pinagbigyan ako ni Doktora, baka raw mag full pa. tapos mga around 3:20 AM, bigla akong napatili sa sobrang sakit. nagpuntahan mga nurse, agad-agad akong in-IE tapos nahawakan na nila ulo ni baby. nag full na raw. tinawagan na nila kaagad si Doktora, mga 3:55 AM na dumating si Doktora pero ramdam na ramdam ko na, na lalabas na si baby π magsusuot palang ng gloves si Doktora napaire na ako ng malakas nung humilab t'yan ko, sabay punit sa pwerta ko then ayun nakadalawang ire ako dahil ang haba ni baby π β€ sobrang sarap sa pakiramdam!!! lahat ng paghihirap ko nung labor nawala nung nakita ko si baby π sobrang worth it lahat!!! π― super thanks sa lahat ng nagdasal!!!! πβ€π― hindi kami pinabayaan ni Lord God! β hindi rin kami pinabayaan ni Lolo Dard & Lolo Jhun π’β€π― thank you dadi sa pag asikaso sa'kin kahit na nabubugbog na kita sa sobrang sakit π thank you sa family ko sa pagdarasal kahit na hindi namin kayo kasama sa lying in, patuloy ang pagsubaybay niyo sa'kin. parang kasama na rin namin kayo sa paghihirap dahil hindi rin kayo nakatulog sa kakaalala sa'min ni baby π©β€ at sa lahat pa ng nagdasal, sobrang laki ng pasasalamat ko sainyo!!!! πβ€π―
happy to be a mum