βœ•

My Little Angel?

Edd: April 19 Dob: April 11 Normal Delivery Name: Zephaniah Amber Nung buntis pa ko inggit na inggit ako sa mga mommy na nakaraos na. Na sana ako din makaraos na pero nandun yung takot, kaba, excitement, at syempre tuwa. Ngayon, ako naman ang mag shashare sainyo. ?? April 9 nananaginip ako na nanganak na ko pati yung asawa ko ganun din nag open din sya sakin. Hehe! Tapos nalaman ko na malapit na ko nung may nalabas na white mens sa underwear ko then the rest no pain na. April 10 ng madaling araw nakaramdam ako ng parang nireregla yung sakit ng puson ko pero hinayaan ko lang mase sabi ko baka ganun talaga. Tas naka tulog na ko ulit pero nung pagkagising ko bandang 8am tas dumiretso ako sa cr gawa ng naiihi ako tas pag tingin ko sa underwear ko may nakita akong pula. Tinanong ko kaagad si mama kung ano yun then sabi ji mama sige mag ayos kana ng bag natin tapos pinaligo nya na ko. Nakaramdam ulit ako ng parang may tumutulo tas hinawakan. MEGGGED! IT'S A BLOOD! Nandilim yung paningin ko syempre takot sa dugo ang lola nyo. HAHAHAHA! Naka tatlong balik kami sa ospital. Unang punta namin 1cm ako tas pangalawa naging 2cm then sabi nung OB ko di daw ako maaadmit hanggat hindi ako nakaka 4cm. Pangatlong balik namin sa ospital 10pm saktong 4cm na ko dami kong ginawa bago ko naka 4cm ang sakit nya sobra kahit 4cm palang ang baba lang kase ng pain tolerance ko pero gora paren ang lola nyo. HAHAHA! Sobrang tagal tumaas ng cm ko na halos pati yung OB ko nakatulog na. HAHAHAHA! Di ako mapakali ganun pala yung feeling ng naglalabor. Parang mapuputol yung bewang mo, balakang mo na para kang inu unti unting kinukunan ng hininga tapos yung puson mo para kang nagpatattoo ng 24hrs na walang tigil. Yung OB ko naman I.E ng I. E sakin nakaka 6-7cm na daw ako. Nag mamakaawa na talaga ko na i-cs na nila ko kase di na talaga ko mapakali buti nalang dumating yung isang OB na dapat mag aassist lang sya dun. Hinawakan ko yung kamay nya tas umiiyak. Sabi ko tulungan nyo po ko nagmamakaawa ako di ko na po talaga kaya kase sobrang baba lang ng pain tolerance ko. Ginawa nya in-IE nya ko akala ko kung anong gagawin nya yun pala pinutok yung panubigan ko. Tapos tinuruan nya ko ng proper breathing tapos dinala na sa delivery room. Wala pang 20mins nailabas ko na si baby ng 7:07am ng April 11. Hehe! Tatagan lang po natin yung loob natin para makaraos tayo at dasal. Hehe!

100 Replies

Congrats!! 10 weeks preggy ako. Super baba din ng pain tolerance. Injections nga lang takot na takot ako πŸ˜”

Thank you mami. Congrats again! 😘

Congrats mamsh❀️ Buti kapa nakaraos na, ako 40weeks and 1day na pero dipa lumalabas si baby😭😭😭

Ako mommy di ko prenessure si baby. Katunayan hinayaan ko lang sya. Kase yung sa mindset ko kahit anong gawin ko at kahit lockdown lalabas at lalabas si baby. Mas nakakasama kapag nag iisip ka ng negative mas delikado kaya kung ako sayo chill ka lang. Selpon selpon kalang ganernπŸ˜‚ libangin mo sarili mo ganern. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Congratulations mommy! Apaka ganda baby 😍 Thanks for sharing your experience.

Congrats momshie πŸ˜‡πŸ˜πŸŽŠ sana ako rin makaraos ng normal delivery πŸ˜‡πŸ™

Kaya yan mommy positive mindset lang dapat 😍

Wow! Napaka inspiring naman! Ang your baby is so beautiful.. Congrats!

hala parehas tayo mg name akin baby boy ZEPHANIAH HEINRICH SHARE LANG πŸ˜‚

Wow! Talaga namang boy si zephaniah ipinangalan lang naming mag asawa kase ang ganda ng kwento nya. Hehe! Tapos amber kase precious stone😍❀

Thanks God nakaraos kana,cute ni baby worth it yung hirap mo.

Congrats po napaka gandang biyaya natanggap mo po mommy🧑

Congrats po. Same po tayo EDD, pero di pa po lumalabas sa akin.

Last week at 38weeks and 2days po, nasa 3.3kg na si baby. Di na po namin sure ngayon.

Ang cute po ng baby moπŸ₯° sana baby girl din 2nd baby koπŸ₯°

Hahaha! Same. Sana di mag maldita toπŸ˜‚

Trending na Tanong