My Little Angel?

Edd: April 19 Dob: April 11 Normal Delivery Name: Zephaniah Amber Nung buntis pa ko inggit na inggit ako sa mga mommy na nakaraos na. Na sana ako din makaraos na pero nandun yung takot, kaba, excitement, at syempre tuwa. Ngayon, ako naman ang mag shashare sainyo. ?? April 9 nananaginip ako na nanganak na ko pati yung asawa ko ganun din nag open din sya sakin. Hehe! Tapos nalaman ko na malapit na ko nung may nalabas na white mens sa underwear ko then the rest no pain na. April 10 ng madaling araw nakaramdam ako ng parang nireregla yung sakit ng puson ko pero hinayaan ko lang mase sabi ko baka ganun talaga. Tas naka tulog na ko ulit pero nung pagkagising ko bandang 8am tas dumiretso ako sa cr gawa ng naiihi ako tas pag tingin ko sa underwear ko may nakita akong pula. Tinanong ko kaagad si mama kung ano yun then sabi ji mama sige mag ayos kana ng bag natin tapos pinaligo nya na ko. Nakaramdam ulit ako ng parang may tumutulo tas hinawakan. MEGGGED! IT'S A BLOOD! Nandilim yung paningin ko syempre takot sa dugo ang lola nyo. HAHAHAHA! Naka tatlong balik kami sa ospital. Unang punta namin 1cm ako tas pangalawa naging 2cm then sabi nung OB ko di daw ako maaadmit hanggat hindi ako nakaka 4cm. Pangatlong balik namin sa ospital 10pm saktong 4cm na ko dami kong ginawa bago ko naka 4cm ang sakit nya sobra kahit 4cm palang ang baba lang kase ng pain tolerance ko pero gora paren ang lola nyo. HAHAHA! Sobrang tagal tumaas ng cm ko na halos pati yung OB ko nakatulog na. HAHAHAHA! Di ako mapakali ganun pala yung feeling ng naglalabor. Parang mapuputol yung bewang mo, balakang mo na para kang inu unti unting kinukunan ng hininga tapos yung puson mo para kang nagpatattoo ng 24hrs na walang tigil. Yung OB ko naman I.E ng I. E sakin nakaka 6-7cm na daw ako. Nag mamakaawa na talaga ko na i-cs na nila ko kase di na talaga ko mapakali buti nalang dumating yung isang OB na dapat mag aassist lang sya dun. Hinawakan ko yung kamay nya tas umiiyak. Sabi ko tulungan nyo po ko nagmamakaawa ako di ko na po talaga kaya kase sobrang baba lang ng pain tolerance ko. Ginawa nya in-IE nya ko akala ko kung anong gagawin nya yun pala pinutok yung panubigan ko. Tapos tinuruan nya ko ng proper breathing tapos dinala na sa delivery room. Wala pang 20mins nailabas ko na si baby ng 7:07am ng April 11. Hehe! Tatagan lang po natin yung loob natin para makaraos tayo at dasal. Hehe!

My Little Angel?
100 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mababa din po pain tolerance ko momsh. Hehehe 5cm pa lang ako nun, pumutok na panubigan ko kaya nilgyan na nila ako ng dextrose na pamhilab. Kaya mas lumalala yung pain. At ramdam ko na nun na nagpapalabas na si baby. Pero ayaw pa nila ako ipunta sa delivery room hanggat di pa daw 10 cm. Eh nagpapaire na si baby kaya pinilit ko talaga. Kaya nung in-ie ako dali dali ako pinunta sa DR kasi nakapa na ulo ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Ako naman sa labor ako nahirapan. Pero sa pag deliver wala pang 20 mins nailabas ko na si baby. Hehe

Nakaka touch naman ung kwento mo naiimajin ko sis. Hehe. Buti naawa sayo ung isang OB. Pwede naman pala putukin ung panubigan pinapatagal pa. Hehehe congrats 🥰

5y ago

Oo nga atleast nakaraos kna ☺️

Wow...mabuti po mommy kinaya nio po yung sakit...at mabilis lng kayo nanganak.. Nakaraos din po kayo.. Worth it nman po kasi ang ganda ni baby,nka smile pa.

5y ago

Opo. Pero nag ooffer po sila ng service ward

VIP Member

Congrats po! Same po tayo mababa lang tolerance ko sa pain pero sana talaga mairaos ko. Kinakabahan na ako at the same natatakot sa kung ano yung mangyayari.

5y ago

Ako mommy di ako natakot nung time na yun actually masaya nga ko kase lalabas na si baby. Dapat po ang mindset natin is makikita na natin si baby. Sobrang saya kapag narinig mo na boses nya. Ginagawa ko para di ako kabahan nanunuod ako ng inspiring vlog sa youtube kung pano sila manganak kagaya ni mommy kara tas meron pang isang vlogger kaso di ko maalala. Hehe! Ganun lang po. Dapat po positive yung mindset natin palagi. 😍😊

Ang cute ng baby 😍😍Hoping na mkaraos n dn aq..😀😀prng gusto ko na mnganak pro mg 36 weeks plng aq...inip na inip na ko..😂😂

5y ago

Hahaha! Okay lang yan. Hayaan mo muna si baby na mag swimming sa tummy mo😂lalabas at lalabas din po yan wala si baby magagawa😂😂😂

Mamsh ask klng kong masakit pa tahe mo kung may tahe ka kasi same tau ng dob,. Pero sakin masakit parin tahe ko tas parang tumutusok

5y ago

Tanx po.

VIP Member

cute ni baby..moms parehas n parehas tayo ng kwento kaibhn lng tiniis ko tlg kc ayw ko maCS..pro buti at n normal mo.. congrats moms

5y ago

ang hirap po tlg paglabor kana dimo malamn kung ano posisyon gwin mo,😔..isa lng moms natutunan ko pg manga2nak kn,walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo😊😊😊kya dpat lakasan lng tlg ng loob😁

Ftm kaba? Naglabor ako more than 24hours kaiyak di makababa si baby tas nakakain na poop kaya ecs. Pero thank God ok kaming dalwa

Tama ka momi tatagan lng ng loob. Yn maskt tlg sya kc nsa loob p c bby.. God faith lng makkaraos dn tau mga momi na nanganganak.

5y ago

Pag naka labas na magagawa mo na yung gusto mong gawin. Like nakadapa matulog. Hahaha! Kumain ng marami😂

Ang cute ni baby 😍 at ang cute ml din magkwento mamsh hahahahah relate ako sayo na inggit sa mga nakapag labor na 🙊

5y ago

Thank you po.😂 ilang months na po ba kayo? Hehe