EDD: May, 28. 2020
DOB: May, 1. 2020
LONG POST AHEAD. JUST WANNA SHARE MY TOUGH EXPERIENCE DURING MY PREGNANCY, LABOR, AND GIVING BIRTH.
The last weeks of april, I started to feel pains around my waist and abdomen + a lot of mucus plug came out pero hindi ako nag panic kasi I thought it was just a simple normal discharge because of its color and odorless nga. Until April 30, thick na siya and parang sipon na talaga so I started to ask mom if t'was just only normal or am I being paranoid lang kasi malayo pa naman due ko. Hindi ko muna pinansin, until kinabukasan (May, 1, 2020) at 9 am nung pagkagising na pagkagising ko I felt very bloated and 'yun nga, sabayan pa ng pananakit ng paikot sa waist and abdomen ko tas nakakairita na maglakad so I thought my baby has engaged. I did a lot of exercises such as squattings, brisk walks, akyat panaog, and some other exercises for prenant women. Nung nag cr na ako, meron nanaman mucus plug so pinakita ko na sa mom ko and she said baka daw sign of labor na 'yun. Nagchat siya agad sa midwifw ko and sinabihan kami na pumunta na doon sa kanya para mai-IE ako kasi nga kabuwanan ko na din naman. Tumawag kami ng tulong sa barangay para maihatid dun sa private clinic na pagpapaanakan ko since ayaw nga ng parents ko sa hospital for the safety na rin namin mag ina. After dumating ng ambulance and hinatid kami dun sa clinic, ini-IE ako ng midwife ko. So I was shookt nung sinabi niya na "Naglalabor ka na eh, 2 cm dilated na 'to." so nagulat ako na natutuwa na ewan na kinakabahan kasi nga ang aga pa masyado, but winiwish ko rin naman na mapaaga kasi nga ayoko ma overdue and CS dahil mahihirapan ako kumilos. So may pinasok siya na something sa pwerta ko pang panipis daw ng cervix, pagkalabas namin ng room kung saan niya ako ini-IE sinabihan niya si mom ko na kung hindi sa may 2, sa may 5 ako manganganak so nagulat din 'yung mom ko na naeexcite. Then ayun nga, umuwi muna kami dahil makapal pa cervix ko and kaya ko pa naman. Nakauwi kami exact 12 NN. Kumain ako, naligo, para ready to go na if ever na makaramdam ako ng active labor and then prepared na din ng bag para sa gamit namin mag-ina if ever na isugod kami sa clinic kapag manganganak na ko.
After an hour, nananakit na siya pero kaya pa naman and every 30 minutes siya nagsstop then babalik maya maya naman. Nakuha ko pa matulog kasi baka wala na ko maitulog pag nag active labor na ko, 7 pm nagising ako still bearable yung pain and nakakatawa pa ko and lakad lakad ng sobra. Nag squat ako, lahat ginawa ko para lang matagtag and hindi mahirapan manganak.
9 PM ACTIVE LABOR, nagsimula na sumakit yung tiyan ko balakang ko and puson and at the same time ulo and shaky na din ako. Kinakausap ako naiirita ako and every 3 minutes na siya mawawala bumabalik, heto nanaman ? alam niyo yung feeling na natatae ka na ewan ko ba na gusto mo mag tumbling sa sakit so nag chat kami sa midwife ko and pinapunta na nga agad kami doon for IE. After 30 minutes we got there, 9:30 pm (IE TIME) Charan! 6 cm dilated. So naglakad lakad muna ko despite of all the pains na nafifeel ko that night, medyo feel ko na nawawalan ako laway so more on water ako. Sinabihan ako midwife ko 11:30 pm papaanakin na niya ako so ako tiis tiis then suddenly at exact 11 pm super na napapasigaw na ko sa sakit and gusto ko na magtawag ng lahat ng santo para mawala yung sakit na nararamdaman ko. After 20 minutes charan! nilabasan na ko dugo so IE nanaman and yes, baby is ready to go out kaya 11:30 pm dinala na ako sa delivery room and sinaksakan ng pampahilab. Finally after 2 hours and 30 minutes active labor, ready to push na so nagpray muna ako, hinga malalim and relax. 'Yung sinabi ng midwife ko na "sige na ate, tae ka na" every hilab ng tiyan ko iniire ko so ire ire, hinga malalim, ire ulit, with matching dasal and syempre sa bait and gaan ng loob ko sa midwife she's tryna comfort me and help me magdasal pampagaan ng loob at pang pa motivate mag push.
11:45 PM (AFTER 15 MINUTES) BABY IS OUT!
Yes, baby is out. WALA AKONG NARINIG NA IYAK. Pinatong sa dibdib ko yung baby ko, no heartbeat, pale color, no blood circulating all over her body, sobrang lamig. I held her hands, ginigising ko siya, inaalog ko yung cheeks, kinakausap ko na gumising na, nag pplease na ko sa panginoon na sana naman wag muna niya kuhain sakin. Sana naman hindi niya pinahawak lang sakin yung baby ki then kukuhain niya agad, nag ppray ako na sana hindi lang hiram na sandali yung nakasama and mahawakan ko yung baby ki tapos kinabukasan wala na, nag ppray ako na sana worth it naman lahat ng pagod ko and pain na nafeel ko, nilakasan ko faith ko kay God kahit hinang hina ako, nilalamig and gusto ko pumikit sa pagod pero hindi, hihintayin at hihintayin ko mabuhay yung anak ko. So yung midwife ko, tinawag 'yung mom ko to assist since siya lang mag isa sa delivery room dahil nga sa pandemic + private lying in clinic sila. Nakita ko kung pano irevive yung anak ko, from oxygens na tinutusok sa ilong and bunganga niya, aspirators, mouth to mouth, binibend yung katawan niya para mag circulate yung blood niya, pinapalo ng malakas yung paa para mabuhay, hinihimas ng sobra yung likod para makahinga. After 30 minutes, wala pa din buhay yung baby ko so umiyak na ko and si mama nagmamakaawa sa midwife ko na gawin lahat para mabuhay si baby. Sabi ng midwife ko "wag kayo umiyak, napagod lang si baby, gigising din yan tamad lang" pero alam ko and ramdam ko na ayaw niya lang ako pakabahin. Hinahawakan ni mama yung kamay ko na nagpapalakas ng loob ko at mas lalong nag papalakas ng faith ko kay God. From that moment, I never stopped praying and begging to God na sana ibigay niya na sakin yung baby girl ko. Kinakausap ko siya na nagsisisi akong itinago ko yung baby ko and hindi naalagaan for a few months, I told God na babawi ako. Na ibigay niya na sakin yung baby ko dahil gusto ko siya alagaan at mahalin ng sobra. Si mama, kinakausap yung baby ko na gumising na dahil gusto na niya mafeel yung yakap nila at yung init nun.
1 AM BABY IS ALIVE
After 1 hour and 15 mins, umiyak na yung baby ko pero hindi tuloy tuloy, parang naghahabol lang ng hininga ? mas lalo akong nanalig sa diyos na sana tuloy tuloy na, na sana hindi lang false alarm yun na pinarinig niya lang sakin yung tunog ng iyak ng anak ko. Nung tinignan ko siya nagiging rosy na yung color niya, nagkaroon ako ng pag asa, until iyak na siya nang iyak and then ayun! Okay na. Sabi sakin ng midwife ko, back to normal na heartbeat niya and sobrang pinkish na niya, malikot na din. Unang pinahawak kay mama, and then sakin. Mas lalo akong umiyak, iba pala talaga feeling pag yung anak mo mismo yung mayayakap mo, mafifeel mo yung init niya and mararamdaman mo talagang mahal na mahal mo siya.
THANK YOU LORD, YOU NEVER FAIL TO ANSWER MY PRAYERS. HINDI NIYO PO KAMI PINABAYAAN NG ANAK KO, BABY IS NOW 7 DAYS. ? SOBRANG NAEENJOY KO YUNG PAG AALAGA SA KANYA, YUNG HINDI KO RAMDAM YUNG PAGOD AT PUYAT DAHIL NGA GUSTO KO ICHERISH KADA SECONDS NA TUMATAKBO NA MAGKASAMA KAMING DALAWA. NGAYON SUPER HEALTHY NIYA AND LAKAS NA MAG DEDE, EBF AKO KASI GUSTO KO TALAGA NA MAS MACLOSE KAMI SA ISA'T ISA DAHIL NGA SA DINANAS NAMIN DALAWA.
GOD IS GOOD ALL THE TIME, LUMAPIT KA LANG SA KANYA. I SWEAR HE WILL NEVER FAIL YOU. ??β₯οΈ
Marylee Ebol