BAKUNA NA KAILANGAN NG MGA SCHOOL-AGE KIDS

During nung live na ito sobrang na caught talaga ng attention ko ang mga sinabi ni Doc Tina Alberto. Mas naging deeper pa ang learnings ko about vaccines and kung gaano ka importante na mapa bakunahan natin ang ating mga anak sa simula palang na mailuwal natin sila at kahit malaki na sila, importante parin na di natin ma miss ang mga vaccines nila upang protektado parin sila sa mga ibat-ibang diseases. Sa totoo lang hindi ko kasi ito alam noon nung bagong panganak palang ako at nung time na malapit na schedule ng daughter ko for her first vaccines. Ang alam ko lang is kailangan talaga silang mapabakunahan. Walang ibang nag explain sakin kung para saan at anong purpose mg mga vaccines na yun. That's why I'm so glad at naka join ako nitong "FAMhealthy session––Bakuna After 2: The Importance of Protection for School-Age Kids!" na hinost ng The Asian Parent PH at Sanofi PH. Nasagot ang mga tanong ko dati. Lalo na ang mga tanong ko ngayon na toddler na ang daughter ko. Like kung para saan ba ang mga vaccines na yun at bat yun need ng daughter ko sa age niya. Mas na clear ni Doc Tina sakin through her explanation during the live session. Yung tungkol sa mga routine vaccination, catch up vaccinations pati na din ang booster vaccinations. Highlight din dito na kailangan talaga na may depensa ang ating mga anak para hindi sila mahawaan ng ibang mga bata na madaling matamaan ng mga sakit. Para sa aking bilang nanay, isa talaga ito sa mga bagay na dapat di natin e take for granted dahil nakasalalay dito ang kalusogan ng ating mga anak.#1stimemom #Vaccinations #BAKUNANAY #FamHealthy #firstbaby

BAKUNA NA KAILANGAN NG MGA SCHOOL-AGE KIDS
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

thanks for sharing!