CS due to early Leak of Amniotic Fluid

Due Date-Nov. 28 DOB- Oct. 26 CS Delivery Baby boy, 2.6kg Hello, I just wanted to share my experience as a FTM. Kahit pala normal lahat ng labtest mo hindi pa rin pala ma-aasured na mag Normal Delivery ka. As for my experience, normal lahat ng labtest ko, wala akong naging problema all through out ng pagbubuntis ko, nakakabyahe pa ako ng 30-45mins to work at umaakyat pa ako ng 4th floor. So i assume na Normal ako kasi wala namang problema tsaka sabi rin ng ibang tao na mukhang normal nga ako kasi okay raw ako magbuntis. Monthly rin ang check up ko at lahat ng vitamins na need tinatake ko. Fastforward. 35 weeks na ako ayon sa huling check up ko. Oct. 25, half day kami sa school nagpunta pa ako ng walter para bumili ng something kay hubby kasi birthday nya kinabukasan. Nagpreprepare pa nga kami ng iluluto, so ako excited ako. Kinagabihan nakahiga na ako para matulog na mga 9:40pm may lumabas sakin na tubig pag ubo ko, akala ko napaihi lang ako, so tumayo ako pero tuloy tuloy may umagos, akala ko ihi lang kasi lately dami ko talagang uminom ng water as per advised ng OB ko. So ginawa ko nagsearch ako kung ano ang Amniotic fluid kasi kutob ko na panubigan na nga ito. Nahiga uli ako pero naglagay ako ng panty liner tapos ilang minuto may lumabas uli at pagtayo ko tuloy tuloy uli. So kinalma ko sarili ko pati ang asawa ko pinakalma ko, pumunta kami sa byenan ko at sinabi nga na pumutok na ata panubigan ko ko, tapos nag CR ako to check nakita ko na may mga white na kasama so confirmed na nga. Punta kami ng ospital diretso ER, tapos nung chineck ako is 35 weeks pa lang, so di pa full term, ao kinakabahan na ako kasi nung IE ako is 1 cm pa at hindi naman ako naglalabor. Tinawagan OB ko and sad to sa di sya makakarating kaya nirefer ako sa Ospital na may NICU para sa Incubator kasi possible na premature pa baby ko. Walang bakante dun sa ospital kaya tumawag ng mga ospital na bakante at napadpad kami sa Mary Mediatric Medical Center sa Lipa. Tumawag kami ng ambulance sa munisipyo at nagpadala sa Mediatrix, 2:26am na ng dumating kami at iniadmit agad ako sa ER, may tinawagan na OB kaso 10am pa sya darating. So ako dasal ako ng dasal na sana di maging premature yung baby ko. Sa ER, nilagyan ako ng machine to monitor the heartbeat ni baby, nilagyan na ako ng dextrose at tinurukan ng steroid para sa lungs ni baby, kinuhanan ng dugo. Dinala na muna ako sa room, tapos minomonitor na ako ng nurse at by 5am naglalabor na ako, sobrang sakit. 9:30 am IE uli pero 2cm pa, then 10am dumating na yung OB na titingin sa akin, dinala agad ako sa Ultrasound clinic, BPS ang ginawa oara makita ang Physical features nya, then sa ultrasound 37 weeks na ako, so aobrang pasalamat ako kaso sabi ng OB ko sobrang konti na ng amniotic fluid ko kaya kung hihintayin pa na mag 10 cm ako, posible na makakain ng dumi ang baby ko o kaya pumulupot ang pusod so sabi nya CS na ako agad agad to save my baby, so ako pumayag by 11am emergency CS na ako. Di na ako nagdakawabg isip kasi buhay ni baby ko ang nakasalalay. After nun, sobrang tuwa ko kasi di na need iincubator si baby pero iaantibiotic sya ng 3 days para maiwasan ang impection. Kahit pwede na ako g lumabas nag-extend pa ako ng 1 day para makasabay baby ko. Sa mga labtest naman okay naman ang result ng blood culture nya kasi wala namang naggrow ng bacteria pero kailangan ituloy antibiotic sa bahay. Oct. 29 nakalabas na kami ni baby. Thanks God kahit malaki gastos eh di na alintana kasi safe ang baby ko. Sorry sa long post? I just wanted to share my experience. PS. Magkabirthday sila ng daddy nya.

CS due to early Leak of Amniotic Fluid
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same experience pumutok na Ang panubigan still 1 cm ayon CS ending

2y ago

Hindi nag labor tapos nag enduced Ako stuck 2 cm in 3 days enduced

VIP Member

Congrats momsh