Bleeding
Due date ko na sa Oct 30th Nangyare na ba sa inyo na may lumabas na dugo bago kayo manganak? Pagka gising ko kaninang umaga, may tagos ako sa short. May dugo. Pumunta kami agad ng asawa ko sa ER ng ospital dahil nagpapanic ako. Ni- IE lang ako ni doc at tinignan hearbeat ng baby. 2cm palang daw. At normal daw yong pag dudugo? Hanggang ngayon may paunti unting discharge na may bahid ng dugo na lumalabas sakin. Sabe ni doc mag lakad lakad lang at ok lang daw yon. Bunalik if pumutok na panubigan. Naniniwala naman ako doc, pero di maiwasang mag alala :(
First time mom