Sa wakas nakaraos na!!
DOB OCT 26,2020 EDD: NOV 9 2020 WELCOME TO THE WORLD BABY RYLIE MIRAH basa basa lang ako dito ngayon ako naman ang mag shishare ng experience ko Nag start ako mag lakad lakad squat inom ng pine apple nung 35 to 37 weeks. 38weeks nag spotting ako dugo sya nung oct 26 ng 3am, Masaya kasi atlis kahit pano may sign na ko na malapit na syang lumabas. Hehe. Pag gising ko sumasakit na puson ko balakang pero natitiis pa yung sakit kasi pasumpong sumpong naman sya nakakapag linis pa ako ng bahay. Haha. Pero nung 2.30pm humiga ako left side yung higa ko wala pang 1min akong nkahiga pumutok bigla yung panubigan ko. Feeling ko pinutok ni baby haha. Dali dali na kaming pumunta sa private clinic exact 3pm , pag IE sakin 7cm na pala ako pero natitiis ko pa yung sakit. Haha. Then nag hihintay kami ng oras para tumaas ng 10cm at sa pag baba ni baby, mga 4.30pm di ko na mawari yung sakit. Di ko na alam san ako kakapit , every time na hihilab sya parang gusto ko na syang iire at ilabas. Yung feeling na natatae ka ganun. 5.30pm IE ulit nasa 9cm na ko. Nung time na yan medyo umiire na ko pero bawal pa daw pero di ko mapigilan. At sobrang sakit na talaga as in. 7.15pm pinatawag ko na si doc. Sabi ko lalabas na si baby yung ulo nya nakapa ko na. Kaya dali pumunta si doc. Ayun 7.30pm baby's out 😍 di nya ako pinahirapan. Lahat ng pain nawala nung narinig ko unang iyak nya . Kaya yung iba na di nkkaraos jan. Tiwala lang mga mamsh at kausapin si baby. Pray din po kayo. Kaya nyo yan. ! 😍 Tips ko sa inyo mamsh umakyat kayo sa hagdan feeling ko dun ako natagtag talaga. Yung inakyat ko ba namn parang kasing taas ng lourdes groto hahaha pero wag pa din papakapagod 😊 Yun lang Godbless. Goodluck senyo
Baby is a blessing ❤️